Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hunk actor may bahid

0 412

Oo nga naman. Mula nang mag-artista ang isang hunk actor ay nakakambal na niya ang imahe ng pagiging macho gay. Lulubog-lilitaw ang kuwento, mamamatay sandal, pero mauungkat na naman.

Kung anu-anong kuwento ang lumulutang tungkol sa kanyang kuwestiyonableng kasarian, kesyo kababata raw niya ang espesyal niyang karelasyon, kaya kahit saan siya magpunta ay ito ang kanyang kasama.

Meron namang istoryang banyaga ang kanyang mahal, sumunod pa raw sa kanya dito ang mahiwagang lalaki, ang dami-daming kuwento tungkol sa kasarian ng hunk actor.

Kuwento ng isang source, “Nakatrabaho na siya ng mga friends ko, kasama sila sa production ng isang movie kung saan talagang super-init ang mga ginawa niyang eksena kasama ang isang magandang girl.

“Napansin nila na sobrang lambing kasi siya sa kahit sino, maganda ang PR niya, wala siyang pinipiling tao na pakikisamahan niya. Mabait siya sa lahat ng tao sa set,” unang kuwento ng aming source.

Sa mga pagkakataong hindi alam ng hunk actor ay gumagana ang pakiramdam ng mga nasa set na nakakarinig ng mga kuwento tungkol sa kanyang questionable gender.

“Nagmamanman sila. Sinusundan nila ang mga galaw nu’ng hunk actor. Gusto nilang malaman kung may katotohanan ang kuwento ng iba na may pagka-gay nga siya.

“Napapansin lang nila na malambot siyang kumilos, may mga pitik ang mga kamay niya na kung malisyoso ka, e, maniniwala ka ngang becki siya! Pero hanggang du’n lang naman, dahil kapag sumasalang na siya sa harap ng mga kamera, e, biglang ibang-iba na siya!

“Palakaibigan lang talaga siya, magaling siyang makisama, pero ‘yung talagang ebidensiyang may bahid siya, e, mahirap patunayan.

“May mga nagsasabi na kapag lasing na raw kasi siya, e, parang nakakalimot na siya. Bumibigay na raw siya. Wala pang nakikitang ganu’n ang mga kaibigan kong nakatrabaho niya.

“Maraming girls ang manghihinayang kung totoo ngang pareho lang ang hanap nila nu’ng hunk actor. Sayang na sayang nga naman, kasi, kanin na lang ang kulang kapag nakita mo siya. Brusko!” pagtatapos ng aming impormante.

SM food to go Banner Ad

Alden wagi sa 10 taon na puhunan

Sa sampung taong ipinuhunan ni Alden Richards sa pag-aartista ay naabot na niya ang pinakaituktok ng kanyang mga pangarap. Sobrang minahal ng kapalaran ang guwapong aktor.

Hindi niya biglaang nahawakan ang tagumpay, dumaan muna siya sa mga baitang ng hagdan, hanggang sa bumuhos sa kanya ang suwerte nang mabuo ang tambalan nila ni Maine Mendoza.

Mula nu’n ay nagbago na ang estado ng Pambansang Bae, itinuring na siyang heartthrob, ang ibinigay na suporta at pagmamahal sa kanya ng publiko ay walang kuwestiyon.

Marami namang guwapong artista na mahusay ring umarte, nasa kanila rin ang mga katangiang mamahalin ng bubong bayan, pero ano nga ba ang pagkakaiba ng isang Alden Richards?

Gaanin siya ng loob. Kapag nakita mo si Alden ay para mo siyang anak, kapatid, matagal nang kaibigan. Parang kadugo mo siya. Parang ang tagal-tagal mo na siyang kilala.

Bibihira ang mga personalidad na sa unang pagkakita mo pa lang ay meron ka nang nararamdamang lukso ng dugo. Parang kapamilya mo siya sa mga dahilang hindi mo naman maipaliwanag.

Gusto mo siyang maging anak, gugustuhin mo siyang maging kapatid, dahil ang nagsasalita ay ang kanyang pagiging mabuting tao. Walang kaere-ere sa kabila ng tagumpay.

Prayoridad ang kanyang pamilya, marespeto sa kanyang kapwa, marunong lumingon sa kanyang nakaraan. At mapagpahalaga sa mga taong nakasama niya nu’ng hindi pa siya nginingitian ng kapalaran.

Marami pang magdadatingang bagong personalidad na kawangis ni Alden Richards ang kaguwapuhan, may mga susulpot pang hindi lang basta guwapo kundi marunong ding umarte na tulad niya, pero ang pagkukumpara ay hindi maiiwasan.

Panalung-panalo pa rin si Alden Richards sa puso ng publiko. Meron siyang karismang taglay na mahalagang puhunan ng mga artistang nangangarap magtagumpay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.