Abante Tonite Interactive

Hunk actor na-trauma sa kagaspangan ng malditang aktres

1,054

Na-trauma pala ang isang hunky newcomer (HN) sa kagaspangan ng ugali ng isang malditang aktres (MA).

Hanggang ngayon ay hindi makalimutan ni HN ang ginawang panghihiya sa kanya ni MA nang magkasama sila noon sa isang teleserye.

Galing sa ibang bansa ang modelong si HN na nabigyan ng break sa teleseryeng pinagbibidahan ni MA. Inglisero si HN at hirap pang magsalita ng Tagalog, pero dahil siya ang napili sa audition ay sa kanya napunta ang role.

Sa unang araw ng taping ng pobreng baguhan ay nakatikim agad ito ng pagtataray mula kay MA. Tili ni MA, dapat daw ay matutong mag-Tagalog si HN at hindi uubra ‘yung pagiging Inglisero nito lalo na at pinasok na nito ang pag-aartista.

Hindi raw puwede kay MA na pa-Ingles-Ingles si HN sa serye nila, dapat ay matuto raw agad itong magsalita ng Tagalog.

Nawindang si HN sa pananaray na ‘yon sa kanya ni MA, na sinadya talagang gawin ito sa harap ng maraming tao samantalang puwede naman daw na kinausap siya nito nang personal at saka pinagsabihan.

Bukod sa bago lang dito sa bansa at hindi pa sanay sa showbiz, hindi akalain ni HN na makakaranas siya ng pambabastos mula pa mismo sa bida ng seryeng kinabibilangan niya.

Noon lang napahiya nang gano’n si HN sa buong buhay niya, so hindi niya malaman ang gagawin.

Mukhang hindi talaga gusto ni MA si HN dahil kalaunan ay unti-unti nang nawawala sa eksena si HN. Originally ay siya ang kapareha ni MA, pero pagtagal-tagal ay ibang aktor na ang kumuha sa puwesto niya at tila nawalan na ng saysay ang role niya.

‘Yun ang traumatic na baptism of fire ni HN kay MA na sobra niyang dinamdam. Sa mga sumunod na project ni HN ay nagulat siya na ang babait ng co-stars niya at lahat ay maayos ang pakikitungo sa kanya.

Sobra siyang nabaitan sa isang magandang aktres na bida sa serye nila, na kinausap siya at binigyan pa ng tips tungkol sa showbiz.

Ganu’n din ‘yung isa pang aktres na bida sa isa pang serye nila, na very nice din kay HN at very friendly.

Ang akala ni HN ay normal ‘yung ginawa sa kanya noon ni MA, ‘yun pala ay hindi dahil ito lang ‘yung bukod tanging ganu’n kasama ang pag-uugali na nagtrato sa kanya nang hindi tama.

Markado na for life si MA kay HN at sa tuwing nababanggit ang pangalan nito ay naaalala niya ang horror stories na naranasan niya sa pakikipagtrabaho rito!

PAK!!

Direktor tinablan kina Cindy, Rhen

Buong ningning na inamin ng barakong direktor ng sexy lesbian movie na “Adan” na ‘tinelagan’ o tinablan siya sa maiinit na eksena ng dalawang bida niya na sina Cindy Miranda at Rhen Escaño.

Straight at may asawa si Direk Roman Perez Jr., so natural lang daw na maramdaman niya ‘yon bilang lalaki na may dalawang magagandang babae na nasa harapan niya.

Biro ni Direk Roman, minsan ay siya raw ang nahihiya dahil bigla na lang naghuhubad ang mga bida niya.

Kadalasan daw kasi ay tuhog ang mga eksena nina Cindy at Rhen na lovemaking, tapos ay magbibihis ang mga ito. Minsan daw ay natataranta siya dahil may nakikita sa dalawa na balewala lang sa mga ito.

Isa raw sa mahihirap na eksena na kinunan ni direk ay ‘yung nag-‘scissoring’ sina Cindy at Rhen sa may batuhan na may tubig.

Kadalasan ay improvisation lang daw ang ginagawa ng dalawa, na sinasabi lang niya kung anong dapat gawin, tapos ay bahala na ang mga ito.

Bilang lalaki ay pinakaapektado raw si direk doon sa eksenang natutulog si Rhen, tapos ay unti-unti itong hinihipuan ni Cindy.

Bilang direktor naman ay ‘yung banyo scene na pinaliliguan ni Cindy si Rhen. Doon daw kasi nakumpirma na may relasyon ang dalawa. Bale unang lovemaking kasi nila ‘yon na lumaban sa laplapan at lampungan si Rhen sa lesbianang karakter ni Cindy.

Ayon kay Direk Roman, itong “Adan” ang boses ng mga repressed emotions, mapababae man, lalaki, bading, tomboy o bisexual na hindi napapakinggan.

Lalo na raw ‘yung mga nasa probinsya at lower class na dina-down at binabalewala kapag bading o tomboy, samantalang kung mayaman o class na lesbian o gay ay ang ganda raw ng tingin ng mga tao.

Anong magiging reaksyon ni direk ‘pag may nagsabing malaswa ang ginawa niyang pelikula?

“Tatanggapin ko po. Baka ganu’n talaga ang trato niya sa pelikula: ‘Ang laswa!’ Pero palagay ko, ang nagsabi ng malaswa, ‘yun ‘yung manonood sa bahay nila at may gagawin pagkatapos! Ha! Ha! Ha!”

Bukas na ang showing ng R-16 na “Adan” sa mga sinehan nationwide.