Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hunk actor nabukulan

0 118

Sangdamakmak na kuwento ang lumulutang ngayon tungkol sa kontrobersiyal na isyu ng paghihiwalay ng isang hunk actor at ng isang sexy actress. Iba-ibang bersiyon. Ang dami-dami!

Natural ang ganu’n kapag hindi pa nag-iisyu ng pahayag ang magkabilang panig, patuloy na aalsa ang kung anu-anong istorya, may katotohanan man ‘yun o imbento lang.

Pati ang seksuwalidad ng hunk actor ay pinagdududahan na rin ng mga nakikisawsaw sa kuwento, liyebo kuwarenta na raw siya ay kung bakit wala pa ring pamilya, kailangan na raw siyang amuyin nang mula ulo hanggang paa kung bakit.

Kuwento ng isang source, “Isa pa naman siya sa mga itinuturing na walang bahid, hindi berde ang dugo niya, lalaking-lalaki kasi ang kanyang dating.

“In fairness, wala namang kahit anong kuwentong nag-uugnay sa kanya sa pagiging questionable ang gender, pero naiisip ng iba na baka nga may problema siya sa sexuality niya, kaya tumatanda na siya, e, wala pa rin siyang pamilya,” pahayag ng aming impormante.

Meron ding isang haka-hakang lumalabas na gusto raw siyang buruhin ng kanyang mga magulang. Puwede siyang makipagrelasyon pero hindi puwedeng humarap sa altar.

Patulyo ng aming source, “Parang napaka-unfair naman nu’n! Puwede siyang makipagrelasyon hanggang gusto niya, puwede siyang magpapalit-palit ng girlfriend, pero haggang sa ganu’n lang ang gusto ng parents niya?

“Marami pang ibang kuwentong lalabas, pagpipistahan talaga sila, hanggang hindi sila nag-iisyu ng official statement tungkol sa totoong nangyari sa relasyon nila, e, ganyan talaga ang maglalabasang kuwento.

“Lalo na sa guy, hindi pa naman kagandahan ang kartada niya sa pakikipagrelasyon, talagang siya ang mapupuruhan. Ilan na ba kasi ang naging girlfriend niya na nagtagal?

“Pero wala naman siyang pinakasalan sa kahit sino, wala siyang ihinarap sa altar, kaya talagang siya ang mabubukulan!” diretsong sabi ng aming source sa kanyang pagtatapos.

SM food to go Banner Ad

Derek nakatagpo ng babaeng ayaw ng live-in

Tinawagan namin ang isang malapit na kaibigan, ito ang nagpakilala sa amin sa pamilya ni Andrea Torres, minsan na naming nakasama sa isang mahabang kuwentuhan ang mga magulang ng sexy actress pati ang kanyang tiyahin.

Siyempre’y gusto naming malaman ang dahilan kung bakit nagkahiwalay si Ada at ang kanyang boyfriend na si Derek Ramsay. Sino ba sa kanilang dalawa ang nang-iwan?

Anu-ano ba ang dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon? Totoo bang ang hiling ni Andrea Torres na kasal muna bago live-in ang naging dahilan ng kanilang mga argumento na nauwi nga sa break-up?

Sabi ng aming kaibigan, “Nagulat nga rin kami nu’ng lumabas ang balitang hiwalay na sila. We’ve met Derek a few times at nakita naman namin ang pagrespeto niya at pagmamahal kay Ada.

“And honestly, we’ve never seen Ada that happy, kaya takang-taka kami kung bakit sila nagkahiwalay,” unang komento ng aming kaibigan.

Sa pagkakilala ng aming kaibigan sa pamilya ng sexy actress ay konserbatibo sila. Nakikita ng publiko si Andrea na nagpapa-sexy sa mga ginagawa niyang pelikula at serye pero ibang-iba siya kapag wala na sa harap ng mga camera.

Patuloy ng aming kaibigan, “She belongs to a family of educators. University professor ang father niya. Pati ang ibang relatives nila, puro teachers.

“That’s a giveaway idea, konserbatibo ang family. Parang may weight ‘yung reason na kasal muna bago live-in para kay Ada. Hindi pa naman kasi sila magka-live-in, isinasama lang siya ni Derek sa bahay na ipinatayo niya, tumutulong siya sa puwede niyang i-contribute, pero umuuwi rin siya.

“We know Derek’s past relationships. Walang natuloy na kasal. Nakatagpo siya ngayo ng babaeng hindi approved sa live-in. It must be one major reasons kung bakit sila hindi nagtagal,” konklusyon ng kaibigan namin at malapit sa pamilya ni Andrea Torres.

Leave A Reply

Your email address will not be published.