Abante Tonite Interactive

Hunk actor nagselos sa aso

3,307

Mahilig sa aso ang magandang aktres. Parang tao kung mahalin niya ang kanyang alagang aso. At sunod sa uso ang kanyang alaga, pinakukulayan pa niya ito at dinadamitan, parang tao talagang itinuturing ng magandang aktres ang kanyang alaga.

Binili ‘yun ng dating boyfriend ng aktres, OA man ang dating ay ang poodle ang naging anak-anakan nila, may visitation rights pa nga ang guwapong aktor para malaro nito ang aso sa bahay ng kanyang girlfriend.

Biglang nagkaroon ng problema. Nag-break ang magsing-irog, isang hunk actor ang pumalit sa kanyang puso, kasama sa sinumpaan nilang pagmamahalan ang malasakit at pagmamahal na kailangang ibigay ng bagong boyfriend niya sa alaga niyang poodle.

Heto na. Isinama ng magandang aktres ang kanyang alaga sa studio ng isang variety show. Magkasama sila ng kanyang boyfriend sa isang dressing room lang, ang kanyang ex ay nasa kabilang kuwarto naman, magkalapit lang ang dre­ssing room nila.

Nu’ng magbukas ang pintuan ng dressing room ng magkarelasyon, tiyempo namang dumadaan ang kanyang ex, nakita ito ng aso at patakbong sinundan. Kitang-kita ng hunk actor ang sobrang pagkasabik ng poodle sa ex ng kanyang girlfriend.

“Malakas na sampal sa mukha ni hunk actor ang nakita niya! Talagang hinahalik-halikan ng poodle ang original niyang amo! At nagpapakarga pa! Inis na inis ang hunk actor, nani­ningkit ang mga mata niya sa sobrang inis! Patulan ba ang aso?” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

Pinagtalunan ng hunk actor at ng magandang aktres ang eksenang ‘yun. Hindi makakibo ang girl, hindi naman kasi niya inasahang makikilala pa rin ng poodle ang dati niyang boyfriend, matandain at malakas ang pang-amoy ng asong minahal at pinagmalasakitan.

Huwag maliitin ang aso.

Naumay kay Sharon

Dighay nang dighay ang kaibigan naming propesor. Hindi raw ito busog kundi umay na umay sa mga bagong posts ni Sharon Cuneta sa kanyang social media account. Hitik na hitik kasi ‘yun sa pasasalamat ng Megastar kina Senador Kiko at sa kanilang mga anak.

Umaapaw sa pagmamahal ang litanya ni Sharon para kay Senador Kiko, ang sabi ni Shawie, “Thank you for loving me and not le­tting me go.” Kasunod nu’n ang masarap na pasasalamat ng aktres sa kanilang mga anak na sina Miel, Frankie at Miguel.

Inis na inis si prop! Tawa kami nang tawa dahil parang naapektuhan ang kanyang gising kahapon. Naaalala raw kasi nito ang mga posts ni Sharon ilang buwan na ang nakararaan na parang gusto nang kumawala ni Sharon sa kanilang relasyon ng senador.

Sabi ni pro p, “Ano ba naman ang babaeng ‘yun? Iba na naman ang tono ng mga posts niya ngayon! Todo-papuri siya kay Senator Kiko, samantalang parang kailan lang, e, dine-deadma nga niya ang mister niya?

“Ano na naman ito? To spite Gabby Concepcion? Para iparamdam niya kay Gabby na nagmamahalan talaga sila ng husband niya, kasi nga, tinanggihan siyang makasama sa movie?

“OA! At heto na naman siya, hindi man lang niya pinasalamatan si KC sa mga posts niya! Remember, nasaktan si KC nu’n sa sobrang papuri ni Sharon kay Frankie na ang feeling ng mga nakabasa, e, minemenos niya si KC bilang anak.

“Pinuri niya ang tatlo, purihin din niya ang isa pang anak niya, tutal naman, e, mahal na mahal din siya ni KC! Nakakaloka si Mega, nakakaumay siya! Ano ba ang barometer niya sa pagganyan?
“Sa isang point, galit na galit siya kay Senator Kiko. Ngayon naman, lahat ng pag­lalambing at pagmamahal, e, sinusuob niya ang asawa niya!

“Ano ito? Depende sa alignment of the stars? Depende sa kung malaki o maliit ang buwan? Nakakaloka siya!” inis na inis pa ring komento ni prop.

Ha! Ha! Ha! Ha!