Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hunk actor palabigasan ang dyowa

0 153

Hanggang ngayon pala, kahit maraming taon na ang nakararaan, ay isang matinding bangungot pa ring dumadalaw-dalaw sa isip ng isang kilalang female personality ang mga naganap sa kanilang relasyon ng isang hunk actor.

Ang babaeng personalidad na ito ang makapagpatotoo kung saan ipinaglihi ang male personality. Prutas ‘yun, hinog na hinog, sa mangga.

Kuwento ng aming source, “Napakasamang panaginip ‘yun para sa girl! Hindi niya akalain na may makakaengkuwentro pala siyang lalaking ganu’n!

“Sabihin na nating mabait nga ang guy, marespeto, pero may kakaibang pinoproblema ang mga babaeng nauugnay sa kanya!” unang hirit ng aming source.

Pakitang-tao man o totoo ang ugali ng male personality ay walang masasabi laban sa kanya ang mga kilalang babaeng nakarelasyon nito.

Patuloy ng aming impormante, “Nakakaawa pa nga kung tutuusin ang guy dahil siya ang naiipit dahil sa sobrang pagmamahal niya sa family niya.

“Grabe siyang sumuporta sa pamilya nila, lahat na lang, e, sa kanya iniaasa, samantalang hindi pa naman kalakihan ang kinikita niya sa pag-aartista!

“Natural, sino ang matatakbuhan niya sa mga panahon ng pangangailangan ng mga taong sa kanya lang umaasa, natural, sa karelasyon niya!

“Ayaw niyang gawin, pero wala naman siyang choice, ayaw rin naman siyang nakikitang problemado ng girlfriend niya! So, ano ang mangyayari? Wala siyang ibang maaasahan kundi ang babae lang!

“Nakakaloka, ang tingin kasi sa kanya ng family niya, e, isa siyang mina ng ginto! Walang pagkaubos ang kanyang pera! Ayaw niya namang makitang kapos na kapos ang family nila!

“Utang na lista sa tubig tuloy ang nangyayari, uutang siya sa girlfriend niya, pero walang katiyakan kung kailan niya ‘yun mababayaran.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“E, kapag madalas nang ganu’n ang kuwento, natural, mag-iisip na rin ang girl! Ano ba siya, azucarera de mama? Ang bata-bata pa lang niya, pero ginagawa na siyang sugar mommy?

“Kaya walang nagtatagal na karelasyon ang hunk actor, e! Umaariba kasi ang pamilya niya, siya ang nababaon sa utang na wala nang bayaran, nagbababu na ang girl!” napakadiing pagtatapos ng aming source.

Ara  todo deny sa 10k per plate wedding


Mismong mga kaibigan na ni Ara Mina ang nagagalit ngayon sa kanyang pagdedenay tungkol sa mga detalye ng kasal nila ni Dave Almarinez sa April 28 sa Baguio City.

Idinedenay ni Ara ang kuwento tungkol sa wedding ring na ibinigay sa kanya ng negosyante, pati ang ten thousand per plate sa kanilang reception ay hindi raw totoo, ayon kay Ara Mina.

Dahil du’n ay naguguluhan na tuloy ang kanyang mga pinagkuwentuhan, ano ba ang totoo, nagyayabang lang ba ang aktres nang ikuwento ang mga detalye sa kasal nila ng milyonaryong lalaki?

Kuwento ng aming source, “Anong family heirloom lang ang ring, ipina-reset lang daw ‘yun ni Dave? Ilang tao na ang pinagkuwentuhan niya tungkol sa singsing, hindi na ba niya naaalala ‘yun, e, kabata-bata pa naman niya para magkaroon siya ng dementia?

“From the start, e, wala naman siyang sinabing minana lang ng family ni Dave ang singsing, wala siyang binabanggit na ganu’n. Ang lagi lang niyang sinasabi, e, hindi niya alam kung saan binili ni Dave ang singsing.

“’Yung ten thousand per head sa reception nila, kanino ba nanggaling ‘yun, kay Ara din naman, di ba? Kaya ang mga pinagkuwentuhan niya, e, nagagalit ngayon!

“Ano raw ito? Nagdedenay si Ara, di parang pinalalabas niyang sinungaling pala ang mga pinagkuwentuhan niya? Kumambiyo si Ara dahil bina-bash sila ngayon ni Dave!

“Pandemya nga naman, pero ipinagmamalaki pa nila ang kagarbuhan ng kasalan nila! Kunsabagay, hindi na naman bago ang ginawa ni Ara, palagi naman siyang nagdedenay, di ba?” kuwento pa ng aming source.

Leave A Reply

Your email address will not be published.