Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hunk actor pinalayas sa bahay ng gay businessman

0 180

Singkapal daw ng sangkalan ang mukha ng isang male personality na buong-ningning pang ibinabando sa buong mundo na hindi pambenta ang kanyang katawan.

Nang mabasa ng isang kolumnista ang interbyu sa male personality ay malapit na nitong maisuka ang iniinom nitong kape. Adwang-adwa ang nakabasa.

Kuwento ng aming source, “E, kasi nga, alam naman nu’ng writer kung ano ang totoo. Nagsisinungaling ang male personality, naghuhugas-kamay, dahil kailan lang sila nagkahiwalay ng kinarelasyon niyang businessman!

“Magaling siyang magpaikot, ang galing-galing niya, kaya naman sinigihan siya nu’ng negosyante!” patikim na kuwento ng aming impormante.

May kakapalan nga ang mukha ng hunk actor dahil alam niya naman sa kanyang sarili na matagal silang naging magkarelasyon ng businessman.

Patuloy ng aming source, “Heto na. nu’ng maamuyan ng wife ng businessman ang relasyon nila, e, tinawagan siya. Kung anu-anong masasakit na salita ang ipinakain sa kanya!

“At para hubaran talaga siya, e, pinalayas sila sa bahay nu’ng mag-asawa! Sinadya ‘yun ng wifey, kasi nga, sobra-sobra na ang nagetlak niya sa businessman!

“Ano ngayon ang sinasabi niyang not for sale ang katawan niya? Manalamin nga siya! Puwede niyang lokohin ang ibang tao, pero hindi ang mga totoong nakakaalam ng mga pinaggagagawa niya!” madiin pang komento ng aming source.

Alam ng pamilya ng hunk actor ang “pagkakaibigan” nila ng businessman, walang tutol ang mga ito, matagal nga silang tumira sa isang bahay na pag-aari ng negosyante.

“May isa pang kasinungalingan ang hunk actor na ‘yun! Wala raw silang relasyon ng isang female personality na kasama niya sa isang serye, e, ‘yun nga ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ng businessman!

“Tantanan na niya ang paglulubid ng mga kasinungalingan! Kahit naman nu’ng hindi pa siya nag-aartista, e, meron na siyang mga gay provider! Not for sale daw ang katawan niya?

“Napakakapal talaga ng mukha ng male personality na ‘yun na hindi naman magaling umarte, katawan lang ang puhunan niya!” naiinis na pagtatapos ng aming impormante.

Ex ni Joem wala nang magagawa

Kung paniniwalaan natin ang mga kuwento ng vlogger na si Crisha Uy ay nakakaawa naman talaga ang inabot niya sa pakikipagrelasyon nang walong taon kay Joem Bascon.

Ayon sa vlogger ay nag-propose na sa kanya si Joem, nagplano na silang magpakasal, pero bigla na lang silang nawalan ng komunikasyon ng aktor.

Napakasakit nu’n para sa isang babae. Kahit sa mga programa ni Raffy Tulfo ay maraming ganu’ng kasong inilalapit sa news anchor. Iyak nang iyak ang nagrereklamong babae dahil napahiya ito, biglang nawala na ang lalaki, samantalang bayad na ang lahat-lahat ng mga kailangan para sa kanilang kasal.

Mahigit na dalawang taon nang hiwalay sina Joem at Crisha. Tinapat siya ni Joem na hindi na siya mahal nito. Pero hanggang ngayon ay binibuhay ni Crisha ang pangyayari.

Sa halip na maunawaan siya ay bina-bash pa ngayon ang dalaga. Ginagamit lang daw niya sina Joem at Meryll Soriano para tumaas ang sumusubaybay sa kanyang vlog.

Panay-panay ang pagsasabi ni Crisha na nakapag-move-on na siya, pero iyak pa rin naman siya nang iyak, binabalik-balikan niya pa rin ang nakaraang walong taong relasyon nila ni Joem Bascon.

Si Crisha Uy lang ang makagagamot sa kanyang sarili. Panindigan na niya ang kanyang sinasabing nakapag-move-on na siya. Maganda siya, matalino, huwag niyang sayangin ang kanyang kinabukasan sa muling pakikipagrelasyon.

Wala na siyang magagawa, may anak na sina Joem at Meryll, masaya na ang kanyang ex at siya na lang ang naiiwang nakaupo sa rocking chair na gumagalaw nga pero hindi naman umuusad.

Leave A Reply

Your email address will not be published.