Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hunk actor puro lalaki ang kasama

0 245

Naispatan na naman sa isang pampublikong lugar ang isang kilalang hunk actor.

Puro lalaki ang kanyang kasama. Kahit naka-facemask pa ang male personality ay hindi pa rin maitatago ang kanyang itsura.

Isa ‘yun sa mga dahilan kung bakit kahit pa namimintog ang mga abs ng lalaking personalidad ay ayaw bumitiw ang mga dudero sa pangunguwestiyon sa kanyang gender.

Kuwento ng aming source, “Madalas siyang makitang puro lalaki ang kasama niya. Wala pang kuwentong lumabas na nakita siya in public place na girl ang kasama niya.

“Wala pang ganu’ng kuwento, puro lalaki ang kasama niya kapag nakikita siya sa labas ng mga kababayan natin. Tuloy, hindi matapus-tapos ang issue na questionable talaga ang gender niya,” umpisang komento ng aming impormante.

Nu’ng minsang mamataan naman siya sa beach ay ganu’n din. Nagtataka ang mga nakakita sa kanya, bakit wala man lang babae sa kanilang grupo, puro sila lalaki?

Patuloy ng aming source, “Naaalala tuloy namin ang kuwento sa shooting ng isang ginawa niyang pelikula. Kissing scene ang kukunan, parang hindi siya mapakali.

“Girl siyempre ang kahalikan niya, magandang female personality na gustong makahalikan ng mga male personalities, pero parang nagdadalawang-isip siyang gawin ang eksena.

“Ramdam ng mga nasa set ang pagiging aligaga niya, nakarating ‘yun sa kanilang director, kaya kinausap siya, ‘Are you okey? What’s bothering you?’

“Oo raw naman, okey na okey siya, wala raw naman siyang problema. Unang eksenang kukunan ‘yun, umaga pa, kaya ang sabi ni male personality, e, hindi lang daw maganda ang gising niya!

“Natural, may iniwanan nang message ang sinabi niya sa mga tao sa set. Hindi maganda ang gising niya? Ang totoong artista, e, hindi apektado ng kung anuman.

“Kailangan niya pa ring mag-deliver. Kailangan niyang gawin ang eksena, kesehodang pangit pa ang gising niya! Natuloy naman ang eksena, pero hindi niya naibigay ang gustong mangyari ng director,” madiing kuwento ng aming source.

Nakakaloka. Bruskong-brusko pa naman ang dating ng male personality. Anong klaseng paminta nga kaya siya? Buo o durog?

Raffy bitin sa kita

Milyunan kung kumita buwan-buwan ang matapang na news anchor na si Raffy Tulfo sa kanyang YouTube channel. Lalo na ngayon, siya ang tinanghal na Most Searched Male Personality sa Yahoo, padagdag na nang padagdag ang kanyang mga tagasuporta.

Napakalaki ng kanyang kinikita kada buwan, kaya napakaraming nang-uusisa, saan kaya dinadala ng news anchor-komentarista ang kanyang kinikita?

Isang gabi ay nakakuwentuhan namin ang pinipiling pagsumbungan-lapitan ng mga problemado nating kababayan. ‘Yun din ang isa sa mga itinanong namin sa kanya.

Tawa nang tawa si Kuya Raffy. Busog na busog na raw siya sa ganu’ng klase ng tanong kahit saan siya magpunta. Monetized ang kanyang YouTube account, meron pa siyang FB account na halos dalawampung milyon na rin ang bilang ng mga tumututok sa kanya, sobra-sobra na nga ang kayamanan ni Raffy Tulfo.

Mapagkumbaba niyang sagot, “Kulang pa nga ang kinikita ko para maibigay ang mga pangangailangan ng mga sinusuportahan namin sa Wanted Sa Radyo at sa Idol In Action. Kulang pa ‘yun kung tutuusin.

“Kilala n’yo naman ako, ramdam na ramdam ko kapag sincere ang pangangailangan ng mga lumalapit sa akin. Hindi na nila ako kailangan pang iyakan.

“Okey lang na meron akong pinagkukunan. Nakakatulong ako. Halos wala na ring natitira!” tawa nang tawang pahayag ng mapusong news anchor.

Bukas ang kanyang mga palad sa pagtulong kaya bukas din ang daanan ng mga biyayang tinatanggap niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.