Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hunk actor sablay humalik sa aktres

0 139

Matagal nang palaisipan para sa kanyang mga katrabaho ang sobrang kahinhinan ng isang hunk actor. Hindi bagay ang galawan niya sa laki ng bulto ng kanyang katawan.

Lalong nagduda ang kanyang mga katrabaho nang maging saksi ang mga ito sa pagkagalit ng isang kilalang direktor dahil hindi makuha-kuha ng hunk actor ang kissing scene nila ng kanyang leading lady.

Kuwento ng aming source, “Nakakaloka ang eksenang ‘yun! Talagang nagwala na si direk! Paano naman, simpleng scene ng halikan, hindi pa niya magawa?

“E, napakadiretso pa namang magsalita ni direk, kaya ang tanong sa kanya. ‘Hindi ka pa ba nakakaranas ng pakikipaghalikan sa babae?

“Parang sobrang pinagpapawisan ang hunk actor, parang napakabago sa kanya ng eksenang ‘yon. Parang sa isip niya, e, ipagawa na sa kanya ang lahat, huwag lang ang paghalik sa girl!” unang rebelasyon ng aming impormante.

Nu’ng bagong pasok pa lang sa pag-aartista ang male personality ay marami nang humula na “going there” na siya. Kapag lumutang ang mga salitang ‘yon, ang ibig sabihin ay mabubuking din isang araw ang kanyang kasarian, wala siyang lusot.

Patuloy ng aming source, “Heto na. Isinama siya sa mga astig na dancers ng network nila sa isang musical variety show. Natural, siya ang napansin ng lahat.

“Ibang-iba kasi ang kanyang galaw, habang halos magwala na sa kasasayaw ang mga kasabayan niya, siya naman, e, akala mo nagsasayaw ng tinikling sa kanyang porma. Kitang-kita kung sino ang naiiba sa grupo.

“Kahit sa pag-arte ng male personality, e, pansin na pansin din ang itinatago niyang lihim sa kloseta. Mabagal siyang mag-dialogue, mata lang niya ang gumagalaw sa mga eksenang galit siya, hindi niya kayang isabay ang kanyang katawan?

“Hay, ang laki-laki pa naman ng body niya, sa gym na yata siya nakatira, pero sa kabila ng mga nagmumura niyang muscles, e, pansin na pansin pa rin ang kahinhinan niya!

“Yes, may artista rin sa family nila. ‘Yon ang yapak na sinundan niya. True!” madiing pagtatapos ng aming source.

Willie ayaw mag-party sa birthday

Nagtrabaho si Willie Revillame hanggang nu’ng December 31. Kung hindi lang Sabado ang Bagong Taon ay siguradong magla-live pa rin siya sa Wowowin.

‘Yon kasi ang paniniwala. Kapag araw ng Bagong Taon ay kailangang nagtatrabaho tayo, may pumapasok dapat sa ating bulsa, kaya gustung-gusto niyang nagtatrabaho.

Kuwento ni Willie, “Ganu’n kasi sa probinsiya, di ba? Dapat, gumagalaw tayo kapag New Year. Sabi ng matatanda, may pumapasok daw dapat sa bulsa natin kapag Bagong Taon.’

Sobrang napagod ang TV host nitong mga huling araw ng taon dahil personal siyang dumalaw sa mga probinsiyang winasak ng bagyong Odette.

Gamit ang kanyang chopper at isa pa na hiniram niya sa isang kaibigan ay inikot niya ang mga lugar na talagang pinadapa ng kalamidad.

“Naalala ko, nu’ng panahon naman ng pananalanta ng Yolanda, nagpunta rin ang team ko sa Leyte. Ganu’n din ang nakita ko, parang binomba ang lugar, nakadapa ang lahat ng mga puno, wasak ang mga bahay.

“Kapag nakakakita ako ng ganu’n, e, abot-abot ang pasasalamat ko sa Panginoon. Napaka-blessed ko, tayong lahat na hindi nakaranas ng ganu’n.

“Pero hindi du’n natatapos ‘yon. Hindi basta masuwerte lang tayo, kailangan nating tumulong sa pagbangon nila. Hindi ako aalis sa lugar nang hindi ako tumutulong,” mahaba niyang pahayag.

Malapit na ang kanyang kaarawan. Ngayon pa lang ay sinasabi na ni Willie, hindi siya magpapa-party, ibibigay niya pa ring donasyon sa Katimugan ang dapat niyang gastusin sa kanyang birthday.

Leave A Reply

Your email address will not be published.