Abante Tonite Interactive

Hunk actor secret lover ang isang miyembro ng male group

386
tonite-no-thanks-cristy-fermin
 
 
PATIKIM NA BI:
Sino kaya sa mga miyembro ng isang grupo ang nakarelasyon ng isang guwapong hunk actor? Pinagpi­pistahan ‘yun sa isang network, nagkaroon pala ng something sa pagitan ng bruskong aktor at ng guwapong mi­yembro ng isang male group na tiniti­lian, alam na alam ‘yun ng kanilang mga kaibigan.
At very generous pala ang hunk actor, palagi niyang nire­regaluhan ang kanyang secret lover na hindi na secret ngayon, kaya palaging branded at bago ang mga isinusuot nitong damit at sapatos.
Sabi ng source, “Imported talaga, hindi Class A lang ang mga inireregalo niya, dahil nanggagaling ‘yun sa ibang bansa!”
Pili na lang tayo kung saang bansa nanggagaling ang mga branded stuff. Sa Amerika, sa Europe kaya, o sa Canada?

Paglipad ng aktres sa abroad walang milagro

SUMUSUMPA ang isang mapagkakatiwalaang source na nakakuwentuhan namin na walang milagrong hatid ang pagpunta sa ibang bansa ng isang kilalang young actress.
Maingat daw ang young ­actress, maging ang kanyang boyfriend, kaya malayong mangyari ang iniisip ng iba na nagdadalantao ang female personality na ­biglang nangibang-bansa.
Sabi naman ng isang source, “Naku, palagi namang ganyan ang scenario. Nalalaman na lang ng publiko na naging sila pala, kapag preggy na ang girl!”
May bendisyon daw ng aktor ang pagpunta sa ibang bansa ng girl, pero mas maraming nagpapatunay na nagkakaproblema sila ngayon, kaya biglang lumipad ang young actress sa isang nagyeyelong bansa.

Ama ni Tony pinupuri kesa sa ina

PINAGKUKUMPARA ngayon sa social media ang mga magulang ni Tony Labrusca. Maraming pumupuri sa kanyang amang si Boom dahil nang malaman nito ang naganap na pakikipag-argumento ng kanyang anak sa mga opisyal ng Immigration ay agad itong nanghingi ng paumanhin.
Ang ina naman ng aktor na si Angel Jones ay panay-panay ang pagpo-post na huwag daw paniwalaan ang lumabas na istorya, fake news daw ‘yun, hanggang sa nagsalita na nga ang mga opisyal ng ahensiya na totoong gumawa ng eksena si Tony.
Puring-puri ng mga kababayan natin si Boom Labrusca, ganu’n daw ang magulang na tunay na nagmamalasakit sa anak, hindi nito kakampihan kapag nagkakamali.
Ang ina naman ni Tony na si Angel ay bina-bash dahil dada raw nang dada ito nang wala namang alam tungkol sa totoong nangyari. Fake news?
Nakikipagtalakan na si Tony sa mga opisyal ng Immigration, fake news pa rin, maling-mali na nga ang kanyang anak sa pagtungayaw ay fake news pa rin?
Lumaki si Tony Labrusca sa poder ng kanyang ina. Kailan lang uli sila nagkita ng kanyang ama. Ang senaryong ito pa lang ay nagbibigay na ng paliwanag kung bakit ganyan kakitid ang pisi ng pasensiya ni Tony.
Mapagkumbaba ang kanyang ama, pilit namang pinaniniwala ni Angel Jones na fake news lang ang kumalat, napakalaki ng diperensiya.
Isang maling hakbang lang ang naging dahilan kung bakit ipinako sa krus si Tony. Isang-isang pagkakamali lang ‘yun, ang hindi pagbibigay ng respeto sa mga nakatalagang opisyal ng Immigration, pero naglagay ng mantsa sa kanyang pangalan.
Nag-sorry na siya, humingi na ng paumanhin sa mga opisyal na hindi niya nirespeto, pero sa ­katuusan ay naganap na ang lahat.
Anumang salitang nabitiwan na at nakapang­latay sa damdamin ng ibang tao ay mahirap nang bawiin. Nadagdagan na ng kayabangan ang kanyang imahe. Ipinalagay na siyang maangas.
Ang pagbawi sa tatak na ‘yun ang kailangang pagtrabahuhan ngayon ni Tony Labrusca.