Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hunk actor tinuhog ang 2 aktres

0 334

Dati nang may matinding hidwaan ang dalawang babaeng personalidad dahil sa isang lalaki. Ang dating boyfriend ni Actress A ay naging karelasyon ni Actress B.

Magkaibang panahon naman ‘yun naganap, pero ayon sa kampo ni Actress A ay wala silang naging pormal na break-up ng hunk actor. kaya parang lumabas na mang-aagaw si Actress B.

Sa isang kuwentuhan ay naging paksa ang male personality na sangkot sa kontrobersiya, talaga palang hindi muna siya nakikipag-break sa kanyang girlfriend kahit pa meron na siyang bagong kinakalantari, pinagsasabay niya ang dalawang babae sa kanyang buhay.

Kuwento ng aming source, “Ilang beses na ba niyang ginagawa ang ganu’n? Maraming beses na! Mas napansin lang ‘yun dahil mga artista ang pinagsasabay niya.

“Pero kahit nu’ng wala pa siya sa showbiz, e, ugali na niya talaga ang magpaasa sa babae. Meron na siyang kasalukuyang karelasyon, pero sige-sige pa rin siya sa pakikipaglandian sa ibang babae.

“Kapag nagkabukingan, e, sasabihin niya na matagal na silang hiwalay nu’ng unang babae, kaya malaya na siya. Dati na niyang ginagawa ang ganyan!” unang madiing kuwento ng aming impormante.

‘Yung magkaibigang female personalities na naging magkaaway nang dahil sa kanya, ‘yung pinakahuling isyu sa pagitan ng dalawang artista, ang kalokohan ng male personality ang totoong dahilan nu’n.

Balik-chika ng aming source, “Paano niya sasabihing wala na sila ng girlfriend niya, e, inayos pa nga nu’ng female personality ang condo unit niya?

“’Yung girl ang namili ng mga kagamitan niya, ang nag-interior design, paano niya sasabihing tapos na sila? At sino ang dinala niyang girl du’n sa unit na ang girlfriend niya ang nag-aayos?

“Di ba, ang young actress na bago niya? Pinagsabay niya ‘yung dalawa, kung paanong pinagsabay niya rin nu’n ang magkaibigan female personalities!

SM food to go Banner Ad

“Sigurista siya, ayaw niyang magutom, kailangang dalawa ang babaeng pinagkakaabalahan niya. Kapag nabubuking siya, e, ang galing-galing niyang magdrama. Under acting pa ang atake niya!” inis na pagtatapos ng aming source.

Kris muntik puro peklat ang wankata

Alam na ngayon ng publiko na kapag balot na balot ang suot ni Kris Aquino mula sa kanyang leeg hanggang sa kanyang mga paa ay marami siyang itinatagong rashes dahil sa kanyang auto-immuno disease.

Napakaselan ng sakit ni Kris, totoong pangmayaman lang ang ganu’n, dahil napakamahal ng gamutan at proseso ng pagpapagaling sa kanyang sakit.

Mabuti nga at natunton na ng mga doktor sa Singapore ang paraan para kahit paano’y gumaan ang kanyang dinaramdam. Napakaraming bawal kay Kris.

Anumang bagay o lugar na hindi niya nakasanayan ay gumigising sa kanyang allergies. Agad na siyang mangangati, mamamaga ang kanyang mukha at katawan, napakarami niyang iniinom na gamot.

Napakasuwerte ng aktres-TV host dahil ipinanganak siyang may gintong kutsara sa bibig, may panggastos siya sa kakaiba niyang sakit, paano kung wala siyang madudukot sa kanyang kaban?

Milyunan na ang nagagastos ni Kris para sa kanyang sakit. Sa ibang bansa pa siya nagpapagamot, kasama niya ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby na habang nasa ospital siya ay naka-hotel naman, mabuti na lang talaga at umaapaw ang kanyang bulsa sa biyaya.

Sabi ng kaibigan naming propesor, “Sikat nga siya, milyonarya siya, pero nagdurusa si Kris sa sakit na pangmayaman lang.

“Buti na lang at mula siya sa buena familia, buti na lang at malaki ang kinikita niya, dahil kung hindi, puro peklat na ang buong katawan niya,” sabi ni prop.

Leave A Reply

Your email address will not be published.