Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hunk actor tinuhog ang magdyowa

0 334

Puro halakhakan na lang ang nagawa ng mga becking may malalim na alam tungkol sa mga relasyones ng mga kilalang personalidad. Bumibida sa kanilang kuwento ang isang pamosong hunk actor.

Tunay namang makisig ang male personality, parte siya ng panaginip ng mga kababaihan at ng mundo ng mga becki, wala silang pakialam kung anumang istorya ang lumalabas tungkol sa kanya.

Kuwento ng aming source, “Mismo! Deadma lang ang mga girls at becki kahit ano pa ang sabihin at sinasabi ng kung sinu-sino tungkol sa hunk actor na ‘yun!

“Basta para sa kanila, e, kaibig-ibig ang hunk actor, masarap siyang i-baby, ‘yun lang ‘yun! Walang pakialam ang mga becki kung sabihin man ng iba na mhin din ang hanap ng hunk actor, wala ring pakialam ang mga kababaihan kung questionable man ang gender ng male personality!” umpisang kuwento ng aming impormante.

Naging close nu’n ang hunk actor at ang isang magandang female personality. Dahil du’n ay madalas silang lumalabas kasama ang magkarelasyong kaibigan nila.

Balik-kuwento ng aming source, “Siyempre, sino ba naman ang hindi magkakainteres sa girl, e, ang ganda-ganda niya? So, lumalabas nga sila ng hunk actor.

“Pero ang hindi alam ng marami, e, napaka-safe ng girl sa hunk actor. Ni hindi nga sila nagho-holding hands, sa totoo lang! As in, waley!

“Ang totoo kasi, e, may karelasyon ang hunk actor na isang male personality. Halos nagli-live-in na nga sila nu’n, e! So, all for show lang ang pagde-date kuno nila ng female personality!

“Ang nakakatawa, e, hindi naging sila, hanggang friendly date lang ‘yun, ang nakatuluyan ng girl, e, isang male personality na susmaryosep, kamukha na niya ngayon!

“Di nga ba, may kuwento pang lumalabas nu’n na habang magkarelasyon ang female personality at ang lalaking personalidad, e, naging magkarelasyon din ang hunk actor at ang boyfriend ng girl?

“Nakakaloka ang relasyon nila, maraming involved sa love story na ito! Isang kilalang male personality ang nakatuluyan ng girl, ang ex niya, e, babaeng-babae na ang datingan ngayon!” pagtatapos ng aming source.

Sharon may K magyabang

Interesanteng panoorin ang show ni Sharon Cuneta sa kanyang sariling network. Malaman ang kabuuan ng show, Sharon na Sharon ang atake dahil sa bigla niyang pagbungisngis kapag may ikinukuwento siyang karanasan na nakakatawa, ‘yun ang isa sa mga katangiang minahal ng publiko sa Megastar.

Tungkol sa kanyang buhay ang kadalasan niyang tinututukan sa kanyang vlog, maraming impormasyong inilalabas si Sharon na kahit nga siguro ang kanyang mga Sharonians ay nabibigla, makulay ang buhay ng singer-actress.

‘Yun ang hinahanap kay Sharon ng mga kababayan natin. Isang Sharon na masayahin, nakahahawa ang halakhak, chillax na chillax lang sa kanyang pagkukuwento.

Maganda ang kanyang litanya bilang sagot sa mga bashers na nagkokomentong mahilig siyang magyabang ng kung anumang meron siya sa buhay tulad ng inilabas niyang mga relo na milyunan ang halaga.

Simple lang ang kanyang mensahe, kung gusto niyang magyabang ay meron naman siyang kapasidad na gawin ‘yun bilang isang bilyonarya, pero hindi niya ‘yun ginagawa.

Emosyonal lang siya nu’ng panahong i-post niya ang mga mamahalin niyang relo, na ihinihingi niya ng paumanhin sa mga hindi nagkagusto, minsan daw kasi ay para pa rin siyang bata na sige na lang nang sige at hindi na masyadong nag-iisip kung anu-ano ang ipino-post niya.

Masarap tunghayan ang isang napakasikat nang artista na marunong magpakumbaba. Umaamin siya sa kanyang mga kalabisan at kakulangan.

Hindi naman lahat ng artista ay marunong kumompronta sa katotohanan na tulad ni Sharon. Maganda ang kanyang set, pinaghandaan ng Megastar ang kanyang studio, para masundan ang kanyang programa sa Sharon Cuneta Network ay ganito lang ang dapat gawin.

Mag-subscribe lang sa Sharon Cuneta Network sa YouTube, huwag kalimutang i-click ang notification bell para alerto sa mga bagong video ng Megastar. At para maging updated sa mga kaganapan kay Sharon Cuneta, paki-sundan din ang kanyang SharonCunetaNet (Twitter), SharonCunetaNetwrok (Instagram) at SharonCunetaNet (Facebook).

Leave A Reply

Your email address will not be published.