Abante Tonite Interactive

Hunk actor tutok sa bukol ng kandidato

By
3,981

Iniintriga ngayon ang hunk actor na na­ging host ng isang male pageant. Naku­nan kasi siya ng photo na nakatingin sa bukol ng mga candidate.

“Mga Mata ni An­­gelita,” reaksyon ng isang baklush na tumatawa.

Siya na raw ba ang bagong Julie Vega ng mga millennial?

Abante Hiring – IT dep

“OMG. Lahat ng pics nakatingin siya sa baba,” obserbasyon ng isa pang bading.

Dahil sa mga larawang ‘yun pinaglalaruan ngayon ang hunk actor. May isa pa siyang kuha na tutok talaga sa bukol ng male candidate. Nag-bow talaga.

Bwahahaha!

Alden ayaw magpa-double sa mga action stunt

DAHIL special para kay Alden Richards ang pina­kabago niyang proyekto sa GMA na Victor Magtanggol, siniguro ng Kapuso actor na siya mismo ang gagawa ng lahat ng action scene para sa serye.

Kinunan ang unang action scene ng Pambansang Bae sa isang palengke kung saan nagpatalon-talon at nagpadausdos siya sa tiles. Ayon kay Alden, first time raw niya ginawa ang mga stunt na ito sa ilalim ng patnubay ng direktor na si Dominic Zapata. Malaki raw ang naitulong ng kanyang parkour training bilang paghahanda sa mga ganitong eksena.

“Mostly kasi tipikal lang ‘yung mga fight scenes na nagagawa ko with my past projects. Pero ito kakaiba. Na-apply ko ‘yung natutunan ko sa parkour,” ayon kay Alden.

Kaya naman kahit pagod, hindi ininda ni Alden ang hirap dahil enjoy siyang gawin ito para mapaganda lalo ang mga eksena.

“Gusto ko kasi ito. Ganu’n ako ka-in love sa project na ito. Sabi ko nga when I took this project, ibubuhos ko dito lahat,” dagdag pa ni Alden.

Marami pa raw na ganitong eksena na gagawin si Alden para sa Victor Magtanggol na ang istorya­ ng buhay ay puno ng drama, aksyon at adventure na sumasalamin sa buhay ng bawat Pilipino.

At dahil nakatutok at puspusan ang kanyang preparasyon sa kanyang bagong role, kahit nga raw buwis-buhay ang ilang mga stunt, gusto niya na siya mismo ang gagawa ng lahat hangga’t maaari.

“I see to it na majority of the scenes dito ako talaga ang gagawa, lahat ng stunts ako ang gagawa.”

BiGuel, ‘di mapigilan na magkahawak-kamay

Sa lalim at tagal ng pi­nagsamahan nina Bianc­a Umali at Miguel Tanfelix, kabisado na nila ang bawat hininga ng bawat isa.

Sa isang Kapuso Web Specials­ video, napaka-intimate ng mga sagot nila sa mga nakahandang tanong para sa kanila.

Nang tanungin si Miguel kung saan niya nakikita ang sarili 5 taon mula ngayon, kasama sa nabanggit niya si Bianca.

Sinabi nitong in 5 years, nakapag-travel na siya sa maraming lugar kasama si B­ianca, iba’t ibang role na ang nagampanan niya, at napasaya na rin niya ang kanyang pamilya.

Nakadagdag sa kilig ang hindi mapagbitaw nilang kamay na sa buong video ay kitang-kita na magka-intertwine. Hindi malayong matupad nila ang mga planong ito dahil sa taas ng rating ng ‘Kambal, Karibal’ at sa ga­ling ng kanilang performance dito, siguradong mas mara­ming challengin­g role ang ibibigay sa kanila pagkatapos nito.

Katrina walang preno ang pagtalak kay Megan

Kung takutan at tarayan din lang ang labanan, hindi na mapapantayan sina Katrina Halili at Megan Young diyan.

Uploaded sa Instagram account ni Katrina ang eksena nila ni Megan sa ‘The Stepdaughters’ kung saan walang preno ang pagtatalak niya. Deretsahan at walang hingal na binitawan ni Katrina ang mga line niya!
Pak na pak ang ekse­nang ito behind the scene, paano pa kaya ang final edit nito?

Nakakaaliw na matapos ang bangayan, halakhak agad ang narinig mula sa mga bida ng The Stepdaughters!

***

In loving memories of Mrs. Josepina Liwayway Loyola Lorenzo na yumao noong June 30, 2016, ang kanyang anak ay mag-o-offer ng misa sa June 10, 2018 sa St. Andrews Cathedral, Parañaque City.