Abante Tonite Interactive

Hunk aktor muntik mahulog sa patibong ni haroterang young actress

1,007

Binalak palang pormahan at syotain ng isang mabait na hunky actor (MHA) ang isang haroterang young actress (HYA).

Chummy-chummy kasi sina MHA at HYA, na pati ang pamilya ni harotchai girl ay close-close-an din kay hunkylicious boy.

Nabanggit ni MHA sa isa niyang kaibigang aktor (KA) ang balak niya kay HYA at binigyan siya ng isang matinding babala nito.

Sey ni KA, mag-isip-isip si MHA dahil hindi maganda ang reputasyon ni girlaloo.

Alam kasi ni KA na mabait at disenteng lalaki si MHA, so deserved nito ng matinong babae na kaya nitong ipagmalaki kahit saan.

Aware si KA sa mga hindi kanais-nais na kuwento tungkol kay HYA at sa mga lalaking naugnay dito, kaya hindi niya bet ito para kay MHA.

Payo ni KA kay MHA, puwede itong makipagkaibigan pero mag-ingat ito kay HYA dahil may kung anong kamandag ito pagdating sa lalaki.

Mukhang sinunod naman ni MHA ang piece of advice ng concerned friend niyang si KA at hindi niya itinuloy ang planong pagdiskarte kay HYA.

In fairness ay nakatagpo ng isang maganda, matino at ideal na showbiz girlfriend si MHA na malayo sa imahen ni HYA.

Haping-happy si MHA sa piling ng kanyang ipinagmamalaking nobya, habang si HYA ay tila wala pa ring katinuan pagdating sa lalaki at sa pakikipagrelasyon.

May dapat ipagpasa-lamat si MHA kay KA na na-warning-an siya nito kay HYA at hindi siya nahulog sa patibong nito.

PAK!!

Ella sinayang ang Balanghai trophy

Where the hell is Ella Cruz?!

‘Yun ang tanong ng mga nasa Cinemalaya 2019 awards night sa CCP Main Theater nu’ng Linggo.

Waley si Ella para tanggapin ang napanalunan niyang Best Suppor-ting Actress award para sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang “Edward”.

Sina-yang ni Ella ang precious moment na ‘yon na naging isa siyang ganap na aktres. At sa Cinemalaya pa man din, no less!

May mas mahalaga ba siyang pinagkakaabalahan at hindi niya natanggap nang personal ang kanyang Balanghai trophy, na ang daming artistang nangangarap magkaroon?

Ang batikang aktor na si Ricky Davao na 1st Cinemalaya pa lang ay kasali na, inabot ng 15 years bago nagwagi ng Ba­langhai trophy.

Heto si Ella na first time nag-Cinemalaya at first time na-nominate ay panalo kaagad, tapos hindi niya sinipot ang awards night?!

Ang sabi ni Ella sa tweet niya, hindi niya raw alam na nu’ng gabing ‘yon ang Cinemalaya awards night. Kalukring!

Saang planeta ba nakatira ang dating ka-love team ni Julian Trono at mukhang out of touch siya? Eh bakit ‘yung buong “Edward” team ay nandu’n sa CCP? Ano ‘yon, wala man lang ni isa na nag-inform sa kanya?

Active sa social media si Ella, napakadaling malaman kung kailan ang ganito o ganyang event. At sa dami ng messaging app, sobrang daling magtanong.

Isa pa ay alam niyang may buzz ang performance niya sa “Edward”.

Nag-tweet pa kami kay Ella na siya ang bet na-ming mag-Best Supporting Actress at sumagot siya ng, “OMG, thank you!” pero deadma siya nu’ng gabi ng parangal.

Anyareh sa hand-ler niya? Nganga rin?! Kalerky!

Oh well, baka hindi talaga meant na ma-experience ni Ella ang special moment na ‘yon, na iniyakan ng fellow winners niyang sina Jansen Magpusao (Best Actor para sa “John Denver Trending”), Ruby Ruiz (Best Actress para sa “Iska”) at Ricky Davao (Best Supporting Actor para sa “F#*@bois”) na pawang present that night.

Si Louise Abuel ang bet namin para sa “Edward”, pero naluha kami nang mag-win at mag-speech ang first time actor at Antique boy na si Jansen.

Si Meryll Soriano ang bet namin for “John Denver Trending”, pero sa outfit pa lang ni Ruby Ruiz ay obvious nang expected niyang mananalo siya nu’ng gabing ‘yon.

Paborito namin this year ang “Edward” ni Thop Nazareno, pero sobrang bet din namin ang “John Denver Trending” ni Arden Rod Condez na deserving sa Best Film award nito.