Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hunk personality kadiri

0 167

Birong-totoo ang naging takbo ng kuwentuhan ng mga magkakaibigang personalidad habang naka-lock-in sila. Pero habang magkakasama sila ay tumutupad pa rin sila sa mga health protocol.

Ang naging sentro ng kanilang kuwentuhan, ang isang hunk personality na dati’y iniiwasan pala nilang kamayan. Bakit?

Agarang kuwento ng aming source, “Kasi nga, kapag sinisipon siya, e, basta na lang siya sumisinga sa kung saan-saan! Pagkatapos niyang suminga, e, ipapahid lang niya ang kamay niya sa pantalon.

“Natural, kung ikaw mismo ang makakakita sa hunk personality, e, hindi mo rin siya kakamayan dahil kadiri ‘yun, di ba? Nasa kamay pa rin niya ang virus, ang germs, kaya hindi mo siya gugustuhing kamayan!

“Nagtataka lang ang tropa kung bakit hindi man lang makabili ng tissue paper ang hunk actor, malaki naman siyang kumita, marami naman siyang trabaho, pero bakit tissue paper lang, e, hindi pa siya makabili?

“At saka ang sipon niya, e, hindi nawawala, parang buong taon siyang sinisipon, parang kumbaga sa prutas, e, saging ang sipon niya na available sa lahat ng panahon!” natatawang unang kuwento ng aming impormante.

Sayang, sabi ng tropa, guwapo pa naman ang hunk personality. Kung aalagaan lang niya ang kanyang sarili ay magbibilang siya ng karelasyon.

Pero sabi ng aming source sa kanyang pagbabalik-chika, “Kaso, kalat na kalat na kasi sa showbiz ang pagiging dugyot niya! Alam na ‘yun ng mga girls, kaya iwas na rin sa kanya.

“Hindi lang naman kasi ang sipon niya ang napapansin ng mga katrabaho niya, kahit ang mga kuko niya sa kamay at paa, marurumi rin!

“Ano ba namang paminsan-minsan, e, mag-parlor naman siya para makapagpalinis ng mga kuko niya! Kung wala naman siyang time na magpunta sa parlor, e, di matuto sana siyang maggupit ng kuko niya!

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Pero medyo okey na siya ngayon, hindi na siya sipunin, malilinis na rin ang mga kuko niya sa kamay at paa. Sosyal ang hunk actor na ito, namimili lang pala siya ng makapagpapabago sa katamaran niya!

“Beauty queen pa ang gusto niya! Matiyaga ang girl, binabantayan ang katawan niya, kaya puwede na siyang kamayan ngayon ng mga katrabaho niya!” humahalakhak na pagtatapos ng aming impormante.

Kabaliwan sa buhay

Naglaan talaga kami ng panahon para tutukan ang programa ni Korina Sanchez sa TV5. Ganu’n pa rin ang titulo, binuo lang ang pangalan niya, “Rated Korina.”

Kung dati ka nang nanonood ng “Rated K” ay walang ipinagbago ang kanyang atake, nagpupunta siya sa kahit mga liblib na lugar para makapaghain ng mga kuwentong interesante sa manonood, walang iniwan sa KMJS.

Pero sa unang sultada pa lang ng kanyang programa na ipinrodyus ng Brightlight Productions ni dating Congressman Albee Benetiz ay nagtagumpay si Ate Koring.

Sisimulan at tatapusin mo ang kanyang show dahil makabuluhan ang kanyang mga sangkap. Isang lalaking nurse na inaalagaan-kinakausap ang kanyang manyika, mga taga-Cebu na sa iba-ibang dahilan ay hinulagpusan ng katinuan ng isip, kaya itinatali na lang sa mga punong-kahoy at ikinukulong para huwag makapanakit.

Isang lalaking pinupulot-iniuuwi ang mga pusang nakikita nito sa kalye, siyamnapung pusa na ang kanyang alaga ngayon, malilinis at malulusog ang mga pusa naglalantad lang ng kabutihan ng puso ng ating kababayan.

Pero ang relasyon ng nurse na si Kim at ng kanyang manyikang si Cameron ang umagaw ng aming pansin. Parang tao talagang itinuturing ng nurse ang kanyang manyika—pinaliliguan nito, sinusuutan ng facemask dahil ayaw nitong mahawa sa coronavirus, si Cameron ang nagbibigay sa kanya ng kaligayahan sa araw-araw.

Aminado si Kim na lahat naman tayo ay may kabaliwan sa buhay, nagkataon lang na natuon ang kanya sa napakagandang manyika, mapuso ang bahaging ‘yun ng programang “Rated Korina.”

Hindi sayang ang isang oras para panoorin ang bagong programa ni Ate Koring sa TV5, tapos na nga ay parang gusto mo pang humingi ng dagdag na panahon, ‘yun ang barometro ng makabuluhang panoorin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.