Abante Tonite Interactive

Hunk sports personality ibinasura ang dyowang bakla

By
232
tonite-pak-allan-diones

Parang naka-jackpot ang isang hunkylicious sports ­personality (HSP) dahil certified yayamanin ang ­kanyang napangasawa.
Ayon sa aming source, rich kung rich ang wifey ni HSP ­kahit na low-profile lang ito.
Nang minsan daw kasing mangailangan ng malaking ha­laga si HSP para i-pay off ang isang obligasyon nito, hindi nagdalawang-isip ang kanyang misis na aksyunan ito.
As in buong ningning na binayaran ni wifey ang milyones na pagkakautang ni HSP. Agad-agad ay nag-isyu ito ng tseke na parang balewala lang.
Kung hindi kami nagkakamali ay nasa P3M ang kaila­ngang bayaran ni HSP at walang kaabog-abog ay nagpaluwal si rich wifey para burado na ang utang ni HSP.

Taruzsh! Para palang nakahiga sa salapi si HSP at wala na siyang poproblemahin pagdating sa usaping pinansiyal dahil nakakaangat sa buhay ang kanyang misis.
Si HSP ang TOTGA o the one that got away ng isang sikat na showbiz personality (SSP). Labis na minahal ni SSP si HSP at naging kontrobersyal ang kanilang relasyon, na nauwi rin sa hiwalayan.
Hanggang ngayon ay tila si HSP ang nananatiling OGL o one great love ni SSP. Mukhang merong taglay na something si HSP na hindi malimut-limutan ni SSP.
Sa mga biro nito at maging sa mga hanash ni SSP ay palagi pa ring nababanggit si HSP kahit matagal na silang naghiwalay ng landas.
Halatang may hugot si SSP nu’ng magdesisyong magpakasal si HSP sa nobya nito. In fairness ay hindi naman pala nagkamali sa pagpili si HSP dahil secure na ang future niya sa kanyang nakakariwasang asawa.
Bukod sa sikat ay mayaman din si SSP at kayang-kaya nitong buhayin si HSP kahit hindi na ito magbanat ng buto.
 ‘Yun nga lang, sa bandang huli ay gusto siyempreng magkapamilya at magkaanak ni HSP. So, natural lang na ang mas pinili nito ay ‘yung tunay na babae!
PAK!!