Abante Tonite Interactive

Hunyo 13, deadline sa SOCE ng natalo, panalong local bet

246

Hanggang bukas, Hunyo 13, na lang ang deadline ng pagsusumite ng Statement of Contribution and Expenditures (SOCE) ng lahat ng mga local candidate na tumakbo noong May 13 midterm elections.

Pinaalala ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na sa ilalim ng batas, lahat ng kandidato, nanalo man o natalo, sa nakaraang halalan, ay kinakaila-ngang magsumite ng SOCE.

Binalaan rin ni M­alaya ang mga nanalong opisyal na mabibigong magsumite ng SOCE sa takdang panahon na hindi papayagang makaupo sa puwesto batay sa Republic Act 7166 (Synchronized National and Local Elections and Electo-ral Reforms Act)

“Sa Huwebes na po ang deadline ng pag-file ng SOCE, kaya hindi nagkukulang ang DILG na paalalahanan ang ating mga opisyal na mag-file na ng kani-kanilang mga SOCE. Para po ito sa smooth transition sa pag-upo nila sa puwesto at para masigurado natin na walang anumang paglabag ang ating mga kandidato sa mga gastusin noong nakaraang halalan,” paalala ni Malaya.

Aniya, nakasaad rin sa Me-morandum Circular No. 2019-85 na inisyu noong Hunyo 3 na ang isang nanalong kandidato ay dapat na makapagpakita sa DILG o alinmang attached agency nito, ng sertipikasyon mula sa Commission on Elections (Comelec) na nagpapatunay na nakasunod siya sa SOCE requirement bago payagang manumpa sa tungkulin o makaupo sa posisyon. (Dolly Cabreza)