Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Huramentadong kuya kinarne ni bunso

0 320

Patay ang isang 26-anyos na lalaki nang harabasin ito ng karit ng nakababatang kapatid nang ipagtanggol ng huli ang kanilang tatay sa pag-atake ng una, Martes ng gabi sa bayan ng Imelda, Zamboanga Sibugay.

Dead on the spot dahil sa tinamong mga taga ng karit sa ibat-ibang parte ng katawan si Gino Jumawan, rubber tapper. Kusang loob namang sumuko sa pulisya si Franklin Jumawan Jr., 18, bunsong kapatid ng biktima, kapwa taga-Purok Magsaysay, Barangay Upper Baluran ng nabatid na bayan.

Sa ulat ni PCapt. Edwin Duco, tagapagsalita ng Police Regional Office 9, naganap ang insidente sa harap ng bahay ng pamilya Jumawan pasado alas-7:00 ng gabi.

Umuwing lasing ang biktima at armado ng karit. Kinompronta nito ang amang si Franklin Sr. hinggil sa hindi pa batid na bagay na humantong sa sigawan.

Inatake ng biktima ang ama na nagawang makatakbo. Nasaksihan ito ni Franklin Jr. at agad ding kumuha ng karit at ipinagtanggol ang ama laban sa kuya.

Nagtunggali ang magkapatid hanggang sa ilang ulit na kinarit ng suspek ang kuya dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Kusang loob namang sumuko sa kapitan ng barangay ang bunso. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.