Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hurts nanakit sa mga kakampi

0 102

Nanakit ang ulo at tenga ng teammates ni National Football League (NFL) rookie Jalen Hurts ng Philadelphia Eagles.

Sa newcomer show ng team, binanatan ni Hurts ang 1981 hit na Before I Let Go.

Pero hindi nagustuhan ang boses niya ng teammates kaya puro boo ang inabot ni Hurts.

Nag-enjoy ang league freshman sa kanyang performance habang ang kanyang teammates naman ay tawang-tawa sa pinagagagawa niya.

Kung gaano siya kagaling sa football ang bagitong manlalaro, kabaliktaran naman sa pagkanta.

Mapanakit ang boses ni Hurts, sintunado, masakit sa tenga. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.