Abante Tonite Interactive

Hustisya apela sa inambus na Malabon kagawad

0 250

Mariing kinondena ni Malabon City mayoralty candidate Vice Mayor Jeannie Sandoval ang nangyaring pananambang sa isang barangay kagawad ng lungsod kahapon.

Katuwang ni Sandoval ang Team Kakampi ay nagpaabot ang mga ito ng pakikiramay sa pamilya ni Barangay Panghulo kagawad Dante Sih.

“Let us not let the death of Barangay Councilman Dante come to pass without serving him and his bereaved justice. Let us not let the impending of justice that happened to the killing of Barangay Councilman Dante Villaluna (Brgy. Concepcion) and Barangay Councilman Bienvenido Reyes Jr. (Brgy. San Agustin) in 2016 happen again,” pahayag ni Sandoval.

Abante Hiring – IT dep

Nagpahayag din ng paniniwala sa integridad ni Barangay Councilman Dante bilang opisyal ng barangay ang bise alkalde.

“We believe in his genuine heart as an ordinary citizen of Malabon who only aspires for real change in the city. His death in the hands of hired killers only signifies that threat and violence reign in Malabon during election period,” ayon pa kay Sandoval.

Nauna nang natagpuang nakalugmok sa motorsiklo at wala ng buhay ang No. 1 barangay kagawad na si Sih makaraang tambangan at pagbabarilin habang mamamalengke sa Malabon City kahapon ng umaga.

Dead on the spot si Sih, 54, residente at kagawad ng Barangay Panghulo sanhi ng tama ng mga bala ng kalibre 45 sa ulo at katawan.

Sa report ng Malabon Police, alas-9:20 nang umaga sakay ng motor ang biktima at nasa Panghulo market para mamalengke. Ipaparada sana nito ang sasakyan nang biglang lapitan ng gun man at pagbabarilin.

Tumakas ang killer at sumakay sa kasamahan nitong nakamotor din.

Samantala, naglaan ng P200,000 pabuya ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa sinumang makapagtuturo sa salarin.

Kaugnay nito ay inamin ng makakaliwang grupo ng “Armadong Pamamarusa” na si Manuel Salvacion, Tagapatnugutan sa operasyon Gitnang Luzon ang pagpatay kay Sih sa pamamagitan ng pag-iwan ng sulat sa tabi ng labi ng biktima.

Nakasulat sa papel ang “Si Dande Magalong Sih ay napatunayan na may pang-aabuso at kasalanan sa taumbayan ng Panghulo, Malabon City”. May reputasyon itong ‘hoodlum” sa barangay. Isa siya sa mga taong barangay na nangingikil sa hikahos sa maralitang vendor ng Panghulo. (Orlan Linde)