Abante Tonite Interactive

Hustisya, nakamit kaagad ng pinaslang na dalagita

308

EDISON REYES

Nang walang matanggap na katugunan, sini-mulan na ng SWAT team na gamitin ang kanilang battery ram upang pu-wersahang buksan ang pintuan habang nakahanda naman sa anumang mangyayari ang a­ssault team.

Sinabi ni Col. Magdaluyo sa TUGIS na ilang ulit na pinuwersa ng SWAT team, gamit ang kanilang battery ram, ang pintuan ng tinutuluyang silid ni Jade subalit dahil sa dami ng mga bolt lock, nahirapan silang mabuksan ito hanggang marinig nila ang pagsigaw ni Jade na hindi siya pahuhuli ng buhay at handa siyang lumaban ng patayan.

Nang tuluyang mawasak ang pintuan, umalingaw-ngaw ang sunod-sunod na putok mula sa loob ng silid kaya’t nagdapaan ang attacking force ng Station 1 na walang mga suot na bullet proof vest habang sinuri munang mabuti ng SWAT ang sitwasyon kaugnay sa wastong pamamaraan ng pakikipagpalitan ng putok.

Nangangamba ang mga pulis na baka tamaa­n ang kinakasama ni Jade na si Rosalinda o ang menor de edad nitong anak kung mamumutok sila ng walang patumangga sa loob ng silid hanggang matukoy nila si Jade na naka-puwesto sa mataas na bahagi sa loob ng silid.

Dito na siya inasinta ng mga tauhan ng SWAT team at sa isang iglap ay nasapol ng bala sa ulo si Jade na kaagad niyang ikinasawi.

Nakuha ng mga pulis sa nasawing suspek ang isang kalibre .380 Browning pistol na may ma­gazine na naglalaman pa ng limang bala, isa pang reserbang magazine na may pitong bala, dagdag na bala ng kalibre .9mm at isang maliit na lalag­yan ng bala na naglalaman ng ilang plastic ng s­achet ng shabu.

Nang makarating sa kaalaman ng ina ni Rona­lyn na si Aling Desiree ang pagkamatay ng suspek na kumitil sa buhay ng kanyang anak, mistulang nabunutan ng tinik sa dibdib ang ginang dahil kahit papaano’y maiibsan ng bahagya ang kanilang pagdadalamhati dahil mabilis na napagkalooban ng hustisya ang walang awang pagpatay sa dalagita.

Sinabi ni Aling Desiree sa TUGIS na bahagyang naibsan ang kanilang lungkot dahil sa mismong araw ng paghahatid nila sa huling hantungan sa kanyang anak, napatay din ang lalaking may kagagawan sa krimen.

Ayon pa sa ina ni Ronalyn, naging makabuluhan ang ginawang kasiyahan at pagsasayawan ng mga kaibigan, barkada at kaanak ng kanyang anak sa huling lamay dahil ang resulta pala nito ay ang tuluyang pagkakaloob ng hustisya sa kanyang kamatayan.

Ayon naman kay Col. Magdaluyo, bagama’t nagwakas ang landas ng kilabot na krimnal na pumatay ng walang awa kay Ronalyn, itutuloy pa rin nila ang paghahain ng kaso laban dito, kasama ang kanyang mga look out na sina Alvin Cubelo, isang alyas Dexter at ang tricycle driver na alyas July na ginamit ni Jade sa pagtungo sa Dayao St.

Sa mga kriminal nakatakbo at nakaiwas sa pag-TUGIS ng batas, pansamantala lang yan, hindi habang pa-nahon kayong makapagtatago. Tandaan ninyo. walang krimen na hindi pinagbabayaran.