Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hustisya nakamit na ng SAF 44 – Sinas

0 151

Naniniwala si Philippine National Police chief General Debold Sinas na nakamit na ng 44 nasawing miyembro ng Special Action Force commandos o mas kilala sa tawag na SAF 44 ang hustisya matapos ang pagkakapaslang sa kanila sa labanan noong 2015 Mamasapano, Maguindanao.

Kahapon ay ginunita ang ika-5 anibersaryo ng kanilang pagkamatay sa pamamagitan ng pagbibigay pugay sa mga ito na ginanap sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ayon kay Sinas, patuloy ang mga benepisyo katulad ng tulong pinasyal, scholarship sa mga anak ng mga pamilya ng naulila mula sa national government.

“Actually both sides naman may mga concerns hindi ba? But I believe ‘yung sa SAF naman ay nandiyan na, naibigay na natin ‘yung lahat ng tulong at benepisyo at we let history decide kung ano po ang effect noon at personally ako, maybe justice is served already para sa kanila,” pahayag ni Sinas. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.