Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hustisya sa niratrat na traffic enforcer, pinararatsada

0 157

Inatasan ni Manila Mayor Isko Moreno si Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) chief Dennis Viaje na gawin ang lahat ng magagawa para mabigyan ng hustisya ang pamamaril sa isang traffic enforcer sa Tondo sa lalong madaling panahon.

Ang kautusan ay ginawa ni Moreno makaraang pangunahan nila ni Vice Mayor Honey Lacuna ang paglulunsad ng drive-thru vaccination drive sa Luneta nitong Sabado at hiniling niya rin na ipagbigay alam sa kanya kung ano ang update sa insidente.

Sinabihan ni Moreno si Viaje na makipagtulungan sa Manila Police District (MPD) para makilala, maaresto at masampahan ng mga kaukulang kaso ang suspek.

Nitong Biyernes, ang traffic enforcer na si Mark Macmalen, 45, ay muntik ng mamatay nang pagbabarilin ng motorista na kanyang hinabol dahil sa hit-and-run violation sa Tondo alas-11:39 ng umaga.

Apat na beses malapitang binaril ng suspek ang biktima. Iniwan nito ang minamanehong kotse at ginamit sa pagtakas ang tinangay na motorsiklo ng biktima. (Juliet de Loza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.