Abante Tonite Interactive

Hustisya, sigaw ng pamilya ng napatay na 16-anyos na binatilyo

312

EDISON REYES

Ayon kay Aling Raquel, bukod sa ilang mga kaibigan na binigyan ni Kevin ng pagkain, ipinagpaalam din ng anak na pupunta sa kanilang bahay ang ilan pa niyang k­aibigan upang kumain ng hapunan.

Dahil sapat naman ang nailutong pagkatin ni Aling Raquel, hina-yaan niya ang anak na kumbidahin ang malalapit na kaibigan upang bahay na nila maghapunan, kabilang dito and 19-anyos na si Allen Jade Silva at si Marco Raquel, alyas Agie, 18-taong gulang.

Nang gabing matapos ang ginawang pagsasalo-salo ng pamilya Monsod bilang pasasalamat sa pagtatapos ni Raven, inakala ni Aling Raquel na inihatid lamang ni Kevin ang mga kaibigan lalu na’t nasanay na sila na laging nasa lakwatsa ang anak kapiling ang malalapit na kaibigan.

Ang hindi batid ng pamilya Monsod, naya-kag si Kevin ng dalawa niyang kaibigan sa Barangay 70 na may kalayuan din sa kanilang barangay dahil tawid lansangan pa ito ng mala-king kalsada ng Capulong Street sa Tondo.

Pauwi na sana ang magkakaibigan dakong alas-2 ng madaling araw ng Mayo 28, 2019 nang masulyapan ni Kevin ang isang kakilalang babae na kanyang kabiruan habang nakaangkas sa isang motorsiklo na minamaneho ng hindi pa nakikilalang lalaki.

Pagdaan sa kanilang harapan sa kahabaanng Concha St., kanto ng Quezon St., binati at kinumusta ni Kevin ang kakilalang babae na kanyang naging kaklase Gen. Vicente Lim E­lementary School.

Dahil matagal ng ka-kilala ni Kevin ang babae at kabiruan niya noong elementarya pa sila, binati at kinumusta niya ito at pabirong tinawag na pangit kasabay ng mahinang pagsipa sa sinasakyan nitong motorsiklo na ikinairita ng l­alaking nagmamaneho.

Batay sa naging pahayag nina Agie at Allen kay Manila Police District (MPD) Station 1 commander P/Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo, pinagmumura umano sila ng lalaking nagmamaneho ng motor kaya’t sa galit ni Kevin ay hinabol nila ang nagmamaneho ng motorsiklo subalit hindi na nila ito inabutan.

Dahil dito’y h­inayaan na ng magkakaibigan ang pagtalilis ng motor subalit lingid sa kanilang kaalaman, bumalik ang lalaki ilang sandal lamang ang nakalilipas na armado ng baril at kaagad silang pinaputukan.

Sa takot ng magkakaibigan ay mabilis silang kumaripas ng takbo patungong Quezon Street upang takasan ang ginagawang pamamaril ng lalaki.

Ang mga pangyayari ay nakita pa sa nakakabit na close circuit television (CCTV) camera ng barangay bagama’t hindi na nahagip ng camera ang pagbagsak ni Kevin nang masapol ng bala sa kaliwang balikat.

Dahil nagkahiwa-hiwalay na ang magkaka-ibigan sa pagtakbo pa-balik sa kanilang lugar upang takasan ang ginagawang pamamaril sa kanila ng lalaki, hindi na nabatid nina Allen at Agie na nahandusay na pala bunsod ng tama ng bala si Kevin.

Mabilis namang nakapagresponde sa lugar ang mga barangay tanod at kanilang isinugod sa Mary Johnston Hospital si Kevin habang mabilis namang nakatakas patungo sa hindi nabatid na lugar ang salarin.