Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hustisya sinigaw sa niyaring siklista

0 67

IPINAG-UTOS na ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar ang malalimang imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ng isang biker na natagpuan sa Kawit, Cavite, Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Kenneth Ponce, na natagpuang nakahandusay sa Abaya Road, Barangay Tabon, Kawit sa pagitan ng alas-10:00 hanggang alas-11:00 noong Oktubre 3.

Hinala ng pulisya na si Ponce ay biktima ng hit and run pero sa pagsisiyasat sa katawan nito ay nadiskubreng may tama ito ng baril.

Nawawala rin ang mountain bike nito kaya pininiwalaang binaril ito upang makuha ang kanyang mamahaling bisikleta.

Ang pagkamatay ni Ponce ay kumalat sa social media at umapela rin ang kamag-anak nito ng hustisya. (Gene Adsuara/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.