Abante Tonite Interactive

Huwag ipawalang-bisa ang GCTA Law – De Lima

2,391

Para kay Senadora Leila de Lima, hindi dapat ipawalang-bisa ang Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law dahil lang sa maling paggamit ng ilang opisyal ng gobyerno.

Ito ang panawagan ng senadora sa kanyang mga kasamahan na mambabatas sa Senado at Kamara.

“Let not the legitimacy and the well-settled wisdom of the law be clouded or demolished by its misapplication, abuses in enforcement or wrongdoings on the part of the designated implementors of the law,” sabi De Lima sa isang statement.

Sa halip na tanggalin, mas mainam umanong pagandahin ang batas o ‘di kaya’y ayusin ang implementing rules and regulations (IRR).

“Please, let’s not abrogate it. To junk this law is to retrogress from hard-won triumphs in the legal universe,” ani De Lima.

“To paraphrase a line from a movie which tackles, in part, the fluid majesty of Law, ‘we ought not to be affected by the weather of the day,’ but should be by the ‘climate of the era’,” dagdag pa nito.

Si De lima ang pinuno ng Department of Justice nang buuhin ang IRR ng GCTA.

Isang panukala ang inihain kahapon ng tatlong senador na naglalayong ipawalang-bisa na ang Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Una rito, inihain nina Senate President Vicente C. Sotto III, Sen. Panfilo M. Lacson at Sen. Richard J. Gordon ang Senate Bill 993 na naglalayong tanggalin na ang GCTA Law na nagbabawas sa panahon ng sentenisya ng mga preso dahil sa magandang asal sa loob ng piitan.

Inihain ang panukla sa gitna ng pagpalag ng publiko sa posibleng paglaya ni convicted rapist-murder at dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.

“This has created a public outrage and prompted this august body to look into the propriety of its application to the aforesaid prisoner, as well as the implementation of RA 10592 in general,” sabi ng mga senador sa kanilang explanatory note.

Bagama’t maganda umano ang layunin ng GCTA, nagresulta aniya ito sa pag-abuso ng ilang opisyal ng Bureau of Corrections sa pagbibigay ng time allowance sa mga preso.

“The intention of the framers is primarily to grant good conduct allowance to persons deprived of liberty while their case is still pending,” sabi ng talong senador. (Dindo Matining)