Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Huwag kalimutan

0 107

“Today, we make another step forward our ongoing fight against COVID- 19, as we receive 600,000 CoronaVac doses from the People’s Republic of China.

I convey my sincere gratitude to the Chinese people and the government of China for this gesture of friendship and solidarity – the hallmark of Philippines-China partnership.”

Yan ang pahayag ng pangulo nang personal niyang salubungin ang may ng Sinovac kahapon sa Villamor Air Base.

Salamat pero sana ay huwag din kalimutan ang… ang pagsira ng mga bahura sa West Philippine Sea (crimes agains the environment and humanity) ang pag-okupa sa karagatan na bahagi ng Exclusive Economic Zone (EEZ); ang panggigipit at pagtaboy ng mga pilipinong mangingisda sa mga dagat malapit sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Isama ang pagpapatibay ng China Coast Guard Law na nagbibigay ng kapangyarihan na magpa-alis ng mga mangingisdang pilipino sa lugar; ang paglaganap ng POGO sa bansa kung saan daang milyong piso ng buwis ang di nababayaran; ang pagdagsa ng illegal alien galing China (pastillas scam); ang patuloy na pagpuslit sa bansa ng ‘shabu’ galing China.
Ang pamahalaan at mamamayan ay hindi dapat masilaw sa pagdating ng libreng bakuna kontra Covid19 para isantabi ang pananagutan ng bansang China sa Pilipinas.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Lalo na’t sa gitna ng pandemic sa buong mundo ay nagpatuloy ang konstruksyon ng China sa West Philippine Sea.
Ibinahagi rin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang posibilidad na ang mga nahuhuling yamang dagat sa WPS, tulad ng galunggong, ay ibinebenta pabalik sa bansa.

Tayong mamamayan ay may katungkulan na magmasid at magbantay.

Maging aral na rin sana ang mga naunang tulong na ng Estados Unidos na laging may kapalit na pabor sa kanilang interes.

Suportahan natin ang gobyerno sa pagsulong nito ng ‘independent foreign policy’ kung saan di tayo na puwedeng hawakan sa leeg ng mayayamang bansa.

Walang Personalan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.