Abante Tonite Interactive

Huwag kang reklamador

317

Julius Segovia

julius-segoviaHindi ako ipokrito para sabihing ni minsan sa buhay ko’y hindi ako nagreklamo.

Sa fastfood chain, halimbawa, tapos na kumain ang nasa katabing table – hindi pa rin na seserve ang inor­der mo. Malamang sa hindi, magrereklamo ka.

Bahagi na ata ng uga­ling Pinoy ang pagiging reklamador. May bagay lang tayong hindi maabot, nega vibes na agad. Pero alam n’yo bang masama sa kalusugan ang pagiging mareklamo?

Ayon sa mga pag-aaral, naglalabas ang katawan ng stress hormone na kung tawagi’y cortisol tuwing nagrereklamo. Isang epekto nito ang pagtaas ng blood pressure o ng blood sugar. Dahil tuwing nasa complaining situation, dalawang bagay lang ‘yan – fight or flight mode. Either mag-escape ka o i-defend mo ang sarili mo.

Kung madalas kang magreklamo, mas maraming cortisol din ang irerelease ng iyong katawan. Sinisira ng cortisol ang immune system ng isang tao. Dahilan para mas ma­ging prone ka sa high cholesterol, diabetes, heart disease at obesity. Puwede rin itong mag-cause ng stroke, or worst case, brain damage.

It’s not just you. Dahil naturally sociable tayong mga tao, madali nating magaya ang ugali ng nasa paligid natin. Kaya malaki rin ang epekto sa atin ng mga taong lagi na lang nega vibes. Dapat maging conscious at cautious ka sa mga taong sasamahan at kakaibiganin mo. First of all, lumayo sa mga reklamador. Baka mahawa ka sa nega vibes nila.

Ganito lang ‘yan. Kung may nakikita kang nagyoyosi, uupo ka ba sa tabi niya buong araw? Siyempre, hindi. Magkakasakit ka lang sa paglanghap ng second-hand smoke. Ganun din sa mga reklamador. Dumistansiya ka sa kanila – dahil hindi mo namamalayang nagiging kapareha ka na nila.

Para maiwasan ang pagiging mareklamo, ituon ang atensyon sa mga bagay o pangyayari na dapat ipagpasalamat. Ika nga ng ilang eksperto, ‘when you feel like complaining, shift your attention to something that you’re grateful for’. Sabi sa mga pag-aaral, 23% ang nababawas sa inire-release na stress hormone na cortisol sa katawan ng tao.

Ang sa akin lang, mas mabuti nang laging positibo ang pananaw sa buhay. Hangga’t maaari, iwasang magalit at umiwas din sa mga taong laging galit. Malaki ang maitutulong nito para mas lalo pang sumaya at humaba ang buhay.