Abante Tonite Interactive

Huwag kayong magbitiw — JoMa

By
10

Nanawagan si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison sa kanyang mga kaalyado sa administrasyong Duterte na huwag magbitiw sa puwesto.

Ito ay sa kabila nang pagbasura ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang pagtatalaga kay Judy Taguiwalo, na kilalang makakaliwa bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa pahayag ni Sison, kapag nagbitiw sa puwesto ang iba pang makakaliwa ay kakailanganin pa nilang ipaliwanag kung bakit nila gagawin ito.

Abante Hiring – IT dep

Mas mabuti umano na makita ng publiko kung bakit ibinabasura ng mga tiwali at ‘incompetent’ na pulitiko ang mga mabubuting public servants.

Iginiit pa nito na dapat ipaliwanag ng administrasyong Duterte kung bakit inaalis nito sa gabinete ang mga makakaliwa at progresibong miyembro.