Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Huwag lumusong sa baha

0 114

Ilang araw na tayong binubuhusan ng ulan. Tuloy tuloy ito, nasasabay pa sa high tide, kaya hindi katagalan, baha ang katapat nito.

Hindi rin malayo ay ang posibilidad na lumusong dito o di kaya pumasok sa looban ng silid o bahay ang tubig at kinakailangan tahakin ito.

Masarap maligo sa ulan, gawain natin ito noong tayo’y bata, ngunit sa mga panahong ito, hindi mabuting magawa ito lalo na sa baha dahil napakaraming maaaring mangyari. Kabilang na ang ilang mga sakit na pwedeng makuha at ang ilang aksidente na maaaring mangyari.

Sa dilim at dumi ng tubig, kasama na ang basurang nagkalat, maaari natin hindi makita ang mga bagay na pwedeng makasakit sa atin. Nariyan ang mag bagay na matatalim na makakatusok o nakakahiwa. Maliban sa sugat ay pwedeng magkaroon ng tetanus. Ang mga hadlang sa daanan na maapakan na pwedeng matapilok o di kaya mga butas na pwedeng mahulog at malusutan. Pwedeng mabugbog, magkapasa, o sa kasamaang palad, mabalian o magkaroon ng dislocation. Kung hindi man maaksidente, may ilang karamdaman na maaaring magdulot ng sakit. Leptospirosis ang isa sa pangunahing nakakaalarma. Nakukuha ito sa ihi ng mag daga na naapektuhan. Ang iba pa ay typhoid fever na dahil sa parasitikong Salmonella; cholera dahil sa bakteryang vibrio cholera; at coliform dahil sa e. coli. Pareparehong pagtatae ang sintomas na makikita. Kasama na din ang hepatitis A, malaria at dengue fever, pwedeng lagnat lamang ang mapansin ngunit kung lumala at hayaan ay maraming kumplikasyon ang dumapo sa sumulong sa baha. Kasama na din ang posibilidad na bumagsak ang core body temperature at magkaroon ng hypothermia. Idagdag pa natin kug hindi sigurado sa lugar, baka makuryente din.

Sa dinamidami ng maaaring mangyari, kung minsan ay isusugal natin ang ating kalusugan at buhay at dumaan sa baha. Ang ilan ay maaaring gawin para mabawasan ang risk na magkasakit at maaksidente. Una, kung lulusong sa baha, siguraduhing protektado ang paa. Magbota o kung hindi kya, dapat naka sapatos, huwag tsinelas at lalong lalo nakapaa. Takpan ng mabuti lahat ng sugat para hindi ito mabasa. Dahan dahan ang kilos, huwag magmadali. Pinakamahalaga ay maghugas at magdisinfect pagkatapos. Siguruhing malinis ang sarili at ang lahat ng gamit na nabasa. Dapat madisinfect ang mga ito.

Kung sakaling masugatan o may makitang kakaiba sa sugat, ipatingin agad ito ng magamot at mabigyan ng nararapat na bakuna laban sa tetano. Kung mga sintomas naman gaya ng lagnat at pagtatae, huwag din patagalin pa ang konsulta para mabigyan ng mga gamot at lunas sa lalong madaling panahon.

Hindi titigil ang mga natural na panahon gaya ng ulan at bagyo. May pagkakataon din na hindi natin maiiwasan ang mga posibilidad na lumusong sa baha. Kung talagang kinakailangan, ihanda ng mabut ang ating sarili, maglinis pagkatapos at panatiliing na tayo ay healthy at magingat.

Hanggang sa susunod na Martes! Keep healthy! Stay safe!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing lingo 11am-12nn) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.