Abante Tonite Interactive

Huwag mainip, DHSD nasa Senado na

By
0 89

Bahay sa Mars? Pwedeng sa Earth muna? Marami pa kasing walang ­bahay lalo na rito sa Pilipinas.

Akalain n’yo, kaya nang magdisenyo ng bahay sa Mars samantalang heto tayo sa Pilipinas na marami namang lupa pero hindi magawang pabahay para sa mga kababayan natin na nangangarap magkaroon ng sarili nilang bahay?

Nakakahanga po ang Marsha Project, ang dinisenyong 3D printed house ng search and architecture studio na Al Space Factory. Isa po itong hugis-bubuyog na bahay na kasya para sa apat na astronaut na akma sa kondisyon ng panahon sa Mars.

Abante Hiring – IT dep

Mayroon po itong wet lab sa lower level, kitchen at dry lab sa upper level, 2 palapag para sa libangan at mga ­kuwarto.
Hindi naman po ganito kagarbo ang pangarap ng ating mga kababayan.

Masaya na po silang magkaroon ng simple pero disenteng bahay na pagsasaluhan nilang mag-anak.

Nasa Senado na po ang ating panukalang pagbuo ng Department of Human Settlements and Development (DHSD) at nakatakda na itong aprubahan ng ating mga kasamang mambabatas sa kanilang bersyon.

Malapit na po itong maisakatuparan, mga kababayan. Huwag po kayong mainip at ramdam namin ang panga­ngailangan ninyo. Misyon po namin na tiyaking ligtas at maayos ang lugar na katitirikan ng inyong bahay.

Sa ilalim ng ating panukala, ibibigay na sa ating mga benepisyaryo ang mga lupang pag-aari ng gobyerno na may 10 taon nang nakatiwang­wang lang at hindi ginagamit ng pamahalaan.

Sa halip na ilipat sa malalayong lugar, ibibigay na lang po sa mga informal settler ang mga lupa ng pamahalaan kung saan sila malapit sa kanilang mga trabaho, eskuwelahan o maging sa mga ospital.

Napakayaman po sa lupa ng ating gobyerno. Huwag po natin itong ipagkait sa kababayan natin na umaasam na magkaroon ng sariling bahay.