Abante Tonite Interactive

Huwag muna puro kita: PLDT, Globe kinalampag

496

Nanawagan si House Deputy Minority Floor Leader Carlos Zarate sa dalawang higanteng telecommunication company na PLDT at Globe na magkaloob ng free calls at data sa kanilang mga prepaid subscriber sa gitna ng coronavirus pandemic.

Ayon kay Zarate, marami sa mga Pinoy ang walang kakayahang tumawag sa kanilang mga mahal sa buhay na nasa ibang bansa para malaman ang kanilang kalagayan .

“This, too (communication), is now becoming difficult—many of them do not have enough money because they do not have work, and, even if they have money to buy, stores or retailers are closed so they cannot reload,” sabi ni Zarate.

“We have received many reports of these concerns by our people, thus, we call on the telcos to help out and fullfil their social responsibility during this time of crisis,”dagdag pa nito. (JC Cahinhinan)

Tonite – Wendys Inhouse Ad