Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Wag namang killjoy

0 78

Agad umeksena si Sen. Pilar Juliana Cayetano sa maagang siklab ng gusot nina 2020+1 Tokyo Olympian men’s pole vault 11th placer Ernest John ‘EJ’ Obiena at Philippine Athletics Track and Field Association president Philip Ella ‘Popoy’ Juico.

Pinagbasehan niya ang pahayag ni Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez, na hinay-hinay lang muna ang PSC sa gusot.

Pina-recall agad ng senadora ang 2022 budget ng government sports agency at pinapunta si Ramirez sa Senado para pag-esplikahin.

May mandate ang PSC para pangalagaan ang mga atleta kaya ito nabuo noong 1990. Pero hindi naman maaring manghimasok agad-agad sa sigalot ng bawat national sports association.

SM food to go Banner Ad

Baka masilip tayo ng International Olympic Committee, Olympic Council of Asia, World Athletics sa government intervention action. Baka masuspinde pa tayo sa mga kompetisyong gaya ng Summer Olympic Games, Asian Games, World Championships, etc.

Huwag namang killjoy Sen. Pia.

Huwag po nating sirain ang magandang taong 2021 ng PH sports dahil tinapos na ni Hidilyn Diaz pagkauhaw ng ‘Pinas sa Olympic gold sapul noong 1924.

Huwag pong bawiin ang pondo para sa mga atleta.

Leave A Reply

Your email address will not be published.