Abante Tonite Interactive

Huwag n’yong maltratuhin ang asawa ko – Ice

By
0 2,718

Gustong mura-murahin ni Ice Seguerra ‘yung mga nanlait nang todo sa asawa niyang si Liza Diño-Seguerra dahil lang nakunan itong may suot na facial mask habang nasa opisina ng FDCP.

Ayon kay Ice, galit na galit siya sa matinding bashing na nakuha ng asawa niya online, na sa initial reaction niya na ipo-post dapat niya sa social media ay panay ang mura niya.

Tinanggal din daw niya ito kaagad pagka-post niya at gumawa siya ng panibagong post na mas kalma na siya at wala nang kasamang mura.

Kuwento sa amin ni Ice nang matsika namin siya sa press launch ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 na pro­ject ng wife niyang Chair ng FDCP, naka-leave si Liza nu’ng time na ‘yon at sinama niya ito sa show ng ‘ASAP’ sa Hawaii.

Pero bumalik ng ‘Pinas si Liza 2 days earlier para du­malo sa meeting na ‘yon. Lumapag daw ito sa Manila nang 2AM, nasa opisina na ng 8AM at mula 9AM hanggang 2AM the following day ay nagtrabaho ang kanyang asawa.

“So, ang kapal ng mukha ng mga taong nagsasabi that she’s being f*cking unprofessional just because she deci­ded to at least have fun after her official function.

“Kung makapagsalita, akala mo alam nila ang ginagawa ng asawa ko. Kung makabuska, kung makasabi na wala siyang ginagawa. My God, she sacrificed so much! Not just family time, but her dreams!

“She’s an actress but she can’t even f*cking act! Why? Because she’s part of FDCP and I’m sure, if umarte siya at nakasama sa whatever festival ‘yung pelikula ng asawa ko, sasabihin nila, ‘Ah, luto!’

“Ang sa akin lang, huwag tayong ganyan. I mean, napakagrabe na ‘yung kultura natin na ang galing nating lahat without knowing both sides of the story!” maigting na bulalas ni Ice.

Nawindang daw siya dahil grabe kung tirahin sa social media ang misis niya dahil lang sa facial mask na sinuot nito.

“Grabe! Sabi ko, ‘T*ng ina! Nagnakaw ba ‘yung asawa ko sa kaban ng bayan?!’ Grabe kung tirahin. Sobrang buwisit na buwisit ako!

“Ganu’n na tayo? I mean, sorry ha? I know may ugali ang mga Pilipino na may pagkaintrigero, pero t*ng ina! Umabot na tayo sa gano’n? Wow!!” iritado pang sambit ni Ice.

The whole time ay nandu’n daw siya for his wife para pagaanin ang loob nito. Alam niyang sanay ipaglaban ni Liza ang sarili nito, pero ‘pag ginawa nito ‘yon ay lalong hindi matitigil ang isyu.

Happy raw siya na kaya na nitong huminga nang maluwag at okey na ito. Asar na asar lang si Ice dahil ang babaw nu’ng isyu.

Hindi niya matanggap na pinaratangan si Liza ng misconduct at unbecoming of a public official samantalang after office hours na ‘yon, na dapat daw ay nasa bahay na ito at kasama nila.

Aniya, tapos na ang meeting and it was a staged picture after mamigay ni Liza ng mga facial mask sa staff nito. Tapos ay ganu’ng level ang bashing na natanggap nito.

“Wala nang common sense ‘yung iba. Maglagay nga lang ako ng five minutes (ng facial mask), hindi ako makapagsalita, eh. Makakapag-meeting ka ng may face mask?! Hello!!”

Panay rin ang sabi ng mga basher na pinapasuweldo si Liza na galing sa pera ng bayan kaya dapat daw ay kumilos ito ng nararapat.

Reaksyon ni Ice, “Excuse me lang po! When I was in NYC, ang laki ng kaltas na tax sa suweldo namin. So, huwag n’yong sabihin na pasuweldo n’yo kami. That doesn’t give you the right to bash people. Huwag kayong kupal!”

Dagdag niya pa, sa posisyon ni Liza na CEO level ito sa FDCP, hindi raw ganu’n kalaki ang suweldo nito kumpara sa ibang CEO. Tapos ay may malaki pang kaltas sa tax.

“Talagang thankless. Okey na nga ‘yung thankless job, eh. Hindi naman kailangang magpasalamat. Pero huwag n’yo namang maltratuhin ang pagkatao ng asawa ko. Iba na ‘yon. Huwag naman kayong mambastos!” pakli pa ni Ice, na very protective at supportive sa kanyang asawa.

Si Ice ang in charge sa Sine Kabataan, ang walong short films na nakakabit sa bawat isa sa walong full-length film entries sa PPP 2018.

***

Waley ang kontrobersyal na si Jameson Blake sa press launch ng PPP 2018 kaya hindi nakahingi ng shout out ang showbiz press mula kay Jame­son. Charot!

Kasabay kasi ng oras ng ‘It’s Showtime’ ang presscon kaya raw hindi nakapunta ang Fil-Am Hashtags member. Hindi tuloy siya nakausap ng media tungkol sa trending niyang mga tweet na tila naging malaking isyu.

Bida si Jameson sa PPP entry na ‘Ang Babaeng Allergic sa Wifi’ na dinirek ni Jun Lana.

Sa presscon ng huli niyang pelikula na ‘So Connected’ ay inamin ni Jameson na siya ‘yung pinatutungkulan ni Direk Jun sa post nito na may mga artistang raket lang ang trato sa paggawa ng pelikula.

Ang sabi sa amin ng partner ni Direk Jun na si Direk Perci Intalan, in fairness ay sa handler ni Jameson mas nainis si Direk Jun at hindi kay Jameson mismo.
In fairness ay maayos daw katrabaho ang tisoy na binata at mabait ito, mahiyain lang.

Ang bida ng ‘UnliLife’ ng Regal Films na si Vhong Navarro ay wala rin sa PPP launch dahil nasa ‘Showtime’ din ito at hindi raw nakaalis dahil wala si Vice Ganda nu’ng Lunes.

Ang lakas ng tawanan sa trailer ng movie ni Vhong, na nagagawa niyang mag-time travel sa pag-inom ng mahiwagang wishkey.

Ang bida ng maaksyon at madugong ‘We Will Not Die Tonight’ na si Erich Gonzales ay no show din sa PPP announcement presscon.

Astig na astig si Erich sa high-octane action-thriller ni Direk Richard Somes na wala siyang habas na pumapatay, para ring si Anne Curtis na napakaangas sa ‘Buy Bust’ ni Direk Erik Matti.