Abante Tonite Interactive

Huwag pabayaan ang mga healthcare worker

377

Dear Abante Tonite:

Nadismaya lang po ako na habang nakikibaka tayo sa hindi nakikitang virus ay naging isyu naman ang kalagayan ng ating mga healthcare worker.

Talaga naman po na kaawa-awa ang kalagayan nila na handang isakripisyo ang kanilang buhay para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino. Hindi ko mapigilang malungkot ng labis kapag naiisip ko ang mga pamilya nila na mas labis ang pag-aalala sa kanila.

Kung bakit naman po kasi ganito ang kalagayan ng ating mga healthcare worker? Hindi na kataka-taka kung kaya marami ang mas gustong magtrabaho sa ibang bansa kaysa dito sa atin. Naintindihan ko rin sila na may mga binubuhay silang pamilya.

Doon sila sa mga bansang pinuntahan pinapakinabangan ang mga talento at kakayahan gaya ng iba pang overseas Filipino worker.

Dito sa atin nakakadismaya pa na noong pinagdedebatehan sa Kongreso ang budget ng gobyero para ngayong taon ay kinaltasan pa ng mga mambabatas natin ang pondong laan sa Department of Health. Ngayon kalampag sila at kinailangan pa dagdagan ang pondo dahil sa krisis na dala ng COVID-19.

Maraming salamat po.

Joseph Paolo

Calamba City

Tonite – Wendys Inhouse Ad