Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Huwag pasaway sa quarantine

0 125

ECQ, MECQ, GCQ, MGCQ, ito ang mga bagong kumbinasyon ng mga letrang ngayon ay nakakasanayan na natin. Ito ang kasalukuyang mga quarantine status na pinagkakalagayan nating lahat. Kada dalawang linggo ay inaabangan kung saan mailalagay ang ating mga lugar, syudad, at probinsya. Itong susunod na linggo, Setyembre 16, 2021, mayroong pang bagong granular lockdown. Mas maliit na lang ang mga lugar na isasaloob sa lockdown. Ang tinutukoy nito ay ang kilos ng mga tao upang maiwasan ang pagkalat ng Covid19 dahil sa napakadali at bilis makahawa nito. Kung kaunti na lamang ang tao na lumalabas, mas bababa ang posibilidad ngg bilang ng magkakasakit.

Ngunit, bakit kahit mayroon nang mga lockdown na ganito, bakit tumataas pa din ang bilang ng nagpopositibo sa Covid 19? Dahil ba ito sa dami pa din ng lumalabas sa kanikanilang mga bahay? Mayroon din kasing aspeto na tinatawag na asymptomatic individuals. Maaaring dala na din ng kagustuhan bumalik sa dating nakasanayan na buhay, maaaring mayamot at mainip kaya nababalewala na ang mga minimum health requirements. Maaari na din dahil sa dami ng nakapagpabakuna, inaakala nila na hindi na sila magkakasakit pa ng Covid19, kaya lumalabas na ng kanilang mga tahanan ng walang dahilan.

Alalahanin natin ang timing ng mga sintomas ng Covid19. May incubation period ito kaya hindi agada gad makakaramdamn ng sintomas kung mahawa. Kadalasan, 5 araw bago magumpisa ang mga ito, ngunit sa mas nakakahawang delta variant ay maaaring magkaroon na sa loob ng 3 araw lamang. 10 araw ang maaaring kasagsagan ng mga mararamdaman hanggang sa kusang gumaling sa sakit kaya ang orihinal na isolation ay 14 na araw o dalawang linggo. Kaya lang, may mga iba na wala ngang sintomas kaya gusto na ipagpaliban ang 10 araw at bumalik na sa trabaho at gawain. Ang problema ay kahit na walang sintomas na naramdaman ay nakakahawa pa din ito. Ito ang maaaring ikahawa ng sakit ng kapwa tao o ikamatay pa nila dahil hinayaan natin ang ating sarili na mag hasik ng virus dahil sa kagustuhan natin lumabas. Kaya importanteng sundin ang itinakdang panahon para hindi na makahawa at gamitin itong pamapalakas ng sarili. Ang isa pa ay siguruhing abisuhan ang inyong barangay sa sitwasyon ninyo. Hindi ito para sa makilala kayo at maiwasan ng mga kapitbahay, kung hindi para masubaybayan ang inyong kalagayan, masigurong mabantayan kayo at ng mga pangangailangan, para din sa inyong kapakanan at pati ng inyong pamilya.

Lahat tayo’y may responsibilidad sa bayan at sa kapwa. Mag face mask at face shield, mag social distancing, manatiling malinis at magdisinfect, at higit sa lahat, magpabakuna.

Hanggang sa susunod na Martes! Keep healthy! Stay safe! Get Vaccinated!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing lingo 11am-12nn) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.