Abante Tonite Interactive

Huwag tularan si ‘Spidey’ — Fajardo

403

By Vladi Eduarte

May mensahe si June Mar Fajardo sa fans na nanonood sa venue ng mga laro ng PBA: Huwag tularan ang pasaway na ‘Spider-Man’.

Biyernes ng gabi sa Game 5 ng Philippine Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum, knocked down ang 6-foot-10 big man ng San Miguel Beer nang salpukin ng umepal na spectator.

Higit 3 minutes pa sa laro, rumagasa sa court ang intruder at bumangga kay Fajardo.

Bagsak ang gentle giant, ilang minuto ding nakaupo bago unti-un-ting tumayo at naglakad papunta sa bench.

Natigil ang laro, nanalo ang Magnolia 88-86 para lumamang sa series 3-2.
“Sa mga fans, ‘wag sanang tularan ang ganun,” malumanay pa ring paalala ni Fajardo. “Lahat naman kami, naglalaro lang dito… Respeto n’yo ‘yung pla-yers. Nirerespeto namin ‘yung fans namin kaya sana, hindi na maulit ‘yun.”
Na-blind side siya, hindi nakita ang parating na eksenador. By Vladi Eduarte