Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Huwarang marathoner

0 99

Nasa 19 na buwan na ang pandemya sa ‘Pinas sapul nang magsimula ang Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 noong March 2020.

Isa sa labis na naapektuhan ang sports, kasama ang running.

Pero may mga mananakbo tayo na hindi nagpaapekto sa kabila nang napakaraming hadlang.

Tuloy ang buhay-kalsada alang-alang para sa mabuting kalusugan at pagmamahal sa sport.

Isa na riyan si Nhea Ann Barcena, ang 38-anyos na dalaga, may taas na 5-2, tubong Panukulan, Quezon pero sa Taguig City na residente at kawani ng Alveo Land.

Kaibigan at kapwa ko po siya marathoner.

Kakatapos lang niya ng pangalawang world marathon majors, ang 125th Boston Marathon 2021 sa Massachusets nitong Oct. 11. Tinugaygay ang makabali-tuhod at makasabog-bagang 42.195-kilometrong karera sa 3 oras, 25 minuto at 51 segundo.

Pumuwesto siyang pang- 4,860 sa may 15,374 finishers mula sa limitadong 20K starters. Nasa 1,283rd siya sa female gender placing, at nasa 904th sa 2,834 na mga tumapos sa women’s 18-39 age-group.

Nag-qualify si Barcena sa world’s oldest full-marathon nang makatapos sa unang majors niya sa 46th Berlin Marathon 2019 noong Sept. 29.

Patunay na modelo sa tunay na kahulugan ng salitang ito si Nhea Ann.

Mabuhay ka!

Leave A Reply

Your email address will not be published.