Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hwang Jung Eum naudlot ang diborsyo

0 93

Sa halip na matuloy ang kaso, nauwi sa pagkakasundo.

Ganito ang ending sa divorce case ni Hwang Jung Eum.

Ikinasal si Jung Eum kay Lee Young Don noong 2016. Ang mister niya ay isang former professional golfer at businessman.
Meron na rin silang isang 3 taong gulang na anak na lalaki.

Pero last year, September 2, 2020 ay nag-file ang actress ng divorce by mediation sa kanyang husband.

Ngayong July 9 lamang, tila nakapag-isip-isip sila. Na-realize ng dalawa na mahal pa rin nila ang isa’t-isa .Instead na mag-divorce ay ituloy nila ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Nagdesisyon daw ang mga ito na hindi na itutuloy ang divorce.

Naglabas ng statement ang C-Jes Entertainment, agency ni Hwang Jung Eum.

Ayon sa mga ito, “During divorce mediation, Hwang Jung Eum [and her husband] came to understand the differences in each other’s opinions. Through deep conversations, they decided to continue as a married couple.”

Siyempre, marami ang natuwa, lalo na ang mga tagahanga ni Jung Eum sa kinahinatnan ng mediation.

Si Jung Eum ay isa sa mga kilalang actress sa South Korea.Ilan sa mga naging paboritong drama niya ay ang Kill Me Heal Me at She Was Pretty.

Leave A Reply

Your email address will not be published.