Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hwasa may billboard sa Times Square, New York

0 78

Uso na talaga na nailalagay ang mukha ng mga Asian artists sa electronic billboard sa Times Square, New York.

Kung sa Pilipinas ay sina Heart Evangelista, Julie Anne San Jose, Nadine Lustre ang nasa electronic billboard, ganoon din ang female idol na si Hwasa. Siya ay member ng all girl group na Mamamoo.

Ito ay kagagawan ng global fandom niya.

Thirty seconds din ang itinagal ng video ni Hwasa na may pagbati rito na, “Happy Birthday, Hwasa.”

Si Hwasa ang nanalo ngayong July after their 4-week online poll. Ito ay sa global K-pop fan platform na, “Who is the idol that should have their birthday celebrated in Times Square? Nagawa ng mga fan niya na manalo si Hwasa as she ranked number 1.

Ang iba pang K-pop idols na may birthday ng July na nag-rank na number 2 at 3 ay sina Treasure’s Jaehyuk at SF9’s na si Dawon.

Ang birthday advertisement ni Hwasa ay makikita sa New York’s Time Square sa loob ng isang linggo. Mula nu’ng July 19 hanggang ngayong July 25.

Leave A Reply

Your email address will not be published.