Abante Tonite Interactive

Hyoyeon naglabas ng sama ng loob

1,722

Dahil sa show ng JTBC’s “Sister Secret” kung saan ang mga guest ay mga female celebrity, kadalasan ay mga miyembro ng K-pop group, nakakapag-share ang dalawang female celebrity guest ng kanilang mga isyu sa buhay o mga pinagdaanan, lalo na sa panahon na trainee pa lang sila at magde-debut as a singer.

It’s a reality show na ang dalawang female celebrity guest ay magkatabing matutulog sa isang kama. Nag-o-open-up ng mga concern nila bilang babae na nagtatrabaho sa entertainment industry.

Sa episode nga ng “Sister Secret” na ipinalabas noong Biyernes ng 8:30 KST ng gabi, ang Girl’s Generation na si Hyoyeon at Mamamoo Wheein shared some thoughts with each other.

Ipinakitang magkasama ang dalawang umiinom sa Han River para matanggal ang anumang awkwardness meron sila at ang second round ng drinks nila ay sa loob na ng kanilang room. At doon na nga sila nakapag-open-up.

Dito lumabas na si Hyoyeon pala o Kim Hyo-yeon sa tunay na buhay, pagkatapos ng napakahabang training niya at mag-debut na nga bilang isa sa mga Girl’s Generation, inakala raw niya na siya ang magiging center ng grupo but instead, ang ex-girlfriend ng Hallyu Star na si Lee Seung Gin na si Yoona ang naging center ng Girl’s Gen o SNSD.

Ayon kay Hyoyeon, “My trainee years were really long, so I dreamed a lot about my debut. Because of that, I cried a lot after my first debut [stage]. We practiced ‘Into A New World’ for one year, 10 hours every day.

“Because of the big picture of the agency and since Yoona is pretty and tall, she became the center. Every person had their own role and position. Before my debut, I thought I was the best, so at the time, it was difficult for me to accept that I wasn’t the center.”

Pero naging hamon naman daw sa kanya ang nangyari at sinabi sa sarili na ipu-prove niya sa lahat kung ano ang mga kaya niyang gawin.

Sey pa niya, “Because of that, it was really difficult, but I thought that someday, people will see me even when I’m standing on the side.

“The job of a celebrity is something everyone can comment on. You have to hear things you don’t want to hear, and sometimes you don’t hear things you want to hear. In the beginning, it’s hard to control your emotions.”

Isiniwalat din ni Hyoyeon ang mga pinagdaanan tulad ng may mga pagkakataon na hindi raw naa-acknowledge ang mga effort at skills na ibinibigay niya. Dumating din daw siya sa puntong inisip kung magku-quit na lang ba siya.

Aniya, “In the middle, I thought, I should give up. If I’m going to do something else, I should quickly give this up and start going on that path since it takes time to learn something new. Nothing goes well the first time. But I couldn’t quickly give this up.

“So during that time, I rode my bike a lot. It’s late when we came home after our schedules. If we came home at 1 a.m., I’d wash up, sleep, then wake up at 5 or 6 a.m. Riding the bike around Han River helped me relieve a lot of stress.”

Sa ngayon, ang grupong Girl’s Ge­neration ang maituturing na isa sa mga pioneer pagdating sa South Korean girl group at nag-pave ng way para sa mga sikat na girl groups ngayon.