Abante Tonite Interactive

Hypertension puwedeng makuha sa instant noodles, processed foods

348

Hinimok ng mga eksperto sa kalusugan ang mga magulang na iwasan ang pagpapakain sa kanilang mga anak ng instant noodles at sa mga processed food.

“In complementary feeding, this is when a child starts feeding at six months old, don’t give a child food with artificial coloring and flavors.

If you think these harm you as an adult, more likely these are going to harm your kids,” pahayag ni Dr. Anthony Calibo, officer-in-charge ng Department of Health Disease Prevention and Control Bureau.

Sinabi ni Calibo na ang malusog na pagkain ay hindi nagsisimula sa panahon ng pagtanda at dapat na samantalahin sa pagkabata.

Ang mga instant noodles ay maaaring magkaroon ng mabu­ting hangarin na magbigay ng nutris­yon, maaari nilang makuha ang mic­ronutrient na Sangkap Pinoy Seal, nanga­ngahulugang sila ay pinatibay, ngunit kung mataas ang sodium, magiging hindi malusog para sa kidney ng bata.

Samantala, sinabi ni Dr. Azucena Dayanghirang, exe­cutive director ng National Nutrition, hindi maaaring mapasyahan na ang instant noodles ay walang nutritional value.

“We tell manufacturers to reformulate their products, huwag masyado damihan ang asin. Noodles as the most affordable for households, we tell them to add mga gulay like kalabasa, malunggay, itlog din puwede (vegetables like squash, malunggay, egg also),” wika ni Dayanghirang.

Binanggit nito na ang madalas na pagkain ng noodles ay maaaring humantong sa hypertension.

Upang maiwasan ang pagkain ng instant noodles at processed foods, hinikayat ni Calibo ang mga magulang na ihanda ang mga pagkain nang mas maaga. (Mina Aquino)

Tonite – Wendys Inhouse Ad