Abante Tonite Interactive

Hyun Bin naalarma sa COVID-19

424

Masasabing season’s favorite ngayon si Hyun Bin dahil sa katatapos na K-drama na ‘Crash Landin­g On You’. Mas lalo siyang hina­ngaan at umangat ang popularity.

Posibleng naalarma siya ngayon dahil sa bilang ng mga Korean na positibo na sa coronavirus. Umabot na sa mahigit 150 na katao. Noong isang araw lang ay a day after ay nasa 40 agad ang nadagdag sa dinapuan ng COVID-19.

Dahil dito, gumawa si Hyun Bin ng sulat na may translation agad sa Korean, English, Chinese at Japanese.

Noong February 21, inilabas ng kanyang agency na VAST Entertainment ang ginawa nitong sulat. Pinag-iingat ni Hyun Bin ang lahat. Sinabi rin niya na naa-appreciate niya ang nagtatrabaho mula umaga hanggang gabi para makahanap ng lunas sa naturang virus.