Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hyun Bin naka-quarantine sa Korea

0 75

Nakabalik na ng South Korea si Hyun Bin mula sa Jordan.

Sa gitna ng pandemic na kinahaharap ngayon ng buong mundo, si Hyun Bin ay nakalabas ng bansang South Korea noong July para mag-shooting ng kanyang Korean film na “Bargaining.”

Kahit kasagsagan ng kinatatakutang COVID-19, sa pamamagitan ng chartered plane ay nakalipad ito at nakapag-shooting sa Middle East.

Ang nasabing pelikula ay umiikot sa kuwento ng rescue mission sa mga kinidnap na Koreans sa Middle East. Kasama ni Hyun Bin sina Hwang Jung Min at Kang Ki Young.Ang director naman nito ay si Lim Soon Rye na siyang nagdirek rin ng “The Best Moment of Our Life” at “Little Forest.”

Nakabalik sa Korea ang actor noong September 12 via Incheon International Airport. At sa pagdating nito, nag-undergo ito ng mga protocols for COVID-19. Bukod sa swab test, kailangan din niyang mag-quarantine ng ilang araw.

Si Hyun Bin ay muling naging maingay ang pangalan nang gawin niya ang huling drama na Crash Landing on You bilang si Captain Ri.

Leave A Reply

Your email address will not be published.