Abante Tonite Interactive

Hyun Bin nakaranas bumagsak ang career

By
185

Muling mapapanood ang South Korean ­actor na si Hyun Bin sa isang Korean film, ang “Negotiation”. Makakatambal niya ang South Korean actress na si Son Ye Jin (na muling naging popular nga­yon dahil sa drama na “Something in the Rain”).

Parehong dumating ang dalawa sa press conference ng kanilang bagong movie. Ginagampanan ni Hyun Bin si Min Tae Gu, isang ruthless criminal na nag-orchestrate ng hostage situation at si Son Ye Jin naman bilang si Ha Chae Yoon, isang talented crisis negotiator.

Sa naturang presscon, inilahad ni Hyun Bin kung paano naririnig at nababasa niya na tinitingnan ng mga tao ang bago niyang role bilang isang “kontrabida”. Hyun Bin has played so many leading roles in TV and films.

Aniya, “These days, hearing about this film, I hear the phrase ‘first villain role’ a lot. Rather than that, I worked hard to portray the complex emotions that this cha­racter has.

“One of the things I discussed a lot with the director was that we didn’t want this character to be the typical villain. We spent a lot of time finding out a way to do that.

“I looked for ways— different ways to approach scenes, for example, being gentle and soft for a scene that would otherwise be intense.”

Sa isang banda, naitanong din kay Hyun Bin sa naturang presscon kung sakali at siya naman ang gaganap sa role ng isang mala-May-December affair tulad ng tema ng katatapos na drama ni Ye Jin. Mabilis niyang isinagot na nagawa na niya ito sa leading lady niya sa “My Name is Kim Sam Soon”.

“I have to do it with Kim Sun Ah,” saad niya.

Si Hyun Bin ay isa sa mga sikat na Korean actor sa mga ginampanan niyang drama tulad ng “My Name is Kim Sam Soon” at “Secret Garden”. ‘Yun nga lang, nakaranas ito ng high & low sa kanyang career with his hit and miss projects.

Sa film din siya nag-focus at ngayon na lang muli mapapanood sa K-drama after his last noong 2015. Magiging bida siya sa tvN’s “Memo­ries of Alhambra”. Kapareha naman niya ang South Korean actress na si Park Shin Hye.