Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hyun Bin , Son Ye Jin mag-dyowa na

0 111

Nagbubunyi ang mga tagahanga ng mga bida ng successful drama of 2020 na Crash Landing On You na sina Hyun Bin at Son Ye Jin.

Sa pagpasok ng taong 2021, pasabog ang ginawang pag-amin ng pareho nilang agency, ang VAST Entertainment ni Hyun Bin at MS Team Entertainment naman ni Son Ye Jin.

Ang on-screen romance nila sa magkasunod nilang proyekto sa pelikula at telebisyon ay totoong nauwi na sa romantic relationship sa totoong buhay.

Nauna ang expose ng Dispatch .Naglabas sila ng picture ng actress habang tila may hinihintay at ang pagsakay nito sa kotse ni Hyun Bin. Base sa report ng Dispatch, may walong buwan na raw na “dating” ang dalawa.

At after the conclusion of CLOY, lumalabas ang dalawa kasama ang iba pa nilang co-stars at dito raw na-realize o na-develop ang feeling ng dalawa. Malaking bagay rin ang parehong hilig ng mga ito sa larong golf.

Hindi agad umamin ang parehong agency nila at nagsabing ibe-verify muna ang report, pero later on, mabilis din naman na parehong kinumpirma na opisyal ngang may relasyon na ang mga ito.

Ayon sa VAST Entertainment, “Actors Hyun Bin and Son Ye Jin met through their projects, and after the end of their drama, their positive feelings towards one another developed into a romantic relationship.

“We ask that you look warmly upon their relationship and cheer them on in the future.”

Kumpirmasyon din ng MS Team Entertainment, “The two of them got to know each other through their acting projects, and after the end of their drama, they developed an interest in each other and ended up dating.”

Sa pag-amin na ito, marami na ang nagsasabing parang mala-SongSong couple raw sina Hyun Bin at Ye Jin na nagka-debelopan nang magsama sa proyekto. Pero sana raw, since parehong nasa late 30’s na sila, both are 38 year old at pwedeng-pwede ng magpakasal, sana raw, unlike SongSong, pang-matagalan ang maging pagsasama ng mga ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.