Abante Tonite Interactive

Hyun Bin, Son Ye Jin relasyon muling tinanggi

747

Sa ikalawang pagkakataon, muling itinanggi ng Vast Entertainment, agency ni Hyun Bin na may relasyon sila ni Son Ye Jin.

May lumabas kasing mga behind-the-scenes pictures ng drama na “Crash ”. ‘Di malinaw ang kuha na under the table raw. Kini-claim ng ilang netizens na magka-holding hands ang dalawa.

Pinabulaan ito ng agency ni Hyun Bin. Sinabing ang magkadaupang palad ay parehong kamay ng actress at hindi ni Hyun Bin.

Last year, itinanggi na rin ng parehong agency ng dalawa ang dating rumor. May lumabas kasi na magkasama ang mga ito na nagpunta ng America.

Spotted din na nasa grocery silang dalawa na magkasama, though, may iba pang mga kasama. Pinaninindigan ng mga agencies nila na co-stars lang talaga ang mga ito. Walang “dating” na nagaganap in real-life.

‘Yun nga lang, sa kabila ng official na pagtanggi at paglilinaw ng agency ni Hyun Bin, marami pa rin ang naniniwala na sila na talaga in real life. May mga nagsasabi pa nga na ganu’n naman daw talaga, hangga’t maide-deny, ide-deny talaga.

Pero sa isang banda, baka naman masyado lang din nadadala ang mga naging fan ng hit drama nila na “Crash Landing On You”. Sobrang kinilig sa kanilang dalawa. At gustong mauwi na ito sa totohanan.

Anyway, 37 years old na si Hyun Bin at 38 naman na si Son Ye Jin. Kung totoong dating na nga sila, wala naman na sigurong magre-react negatively at more than the marrying age na nga sila, ‘no!