Abante Tonite Interactive

Hyuna-E’Dawn pinarusahan

180
Posibleng isang araw, breaking news na sa K-Pop world na wala na sa kanilang agency ang magkarelasyon na sina Hyuna at E’Dawn ng boy group na Pentagon.
Parehong under Cube Entertainment ang dalawa. Sa kabila ng pagde-deny ng Cube Entertainment na may relasyon ang dalawa, biglang umamin sina Hyuna at E’Dawn na dalawang taon na silang ‘dating.’
Dahil sa ginawang rebelasyon ng mga Korean singers, na-turn-off ang karamihan ng mga fan nila. Ilan sa mga fan ay nag-back-out na sa dalawa. Meron din nag-akusa sa Cube Entertainment na diumano’y masyadong naging relax sa mga ito at hindi napigilang magkaroon ng relasyon kahit na dapat daw ay career ang inaasikaso.
Again, although hindi naman kasalanan, pero negative sa karamihan sa mga fan ‘pag nakikipag -date ang idol nilang Korean star.
Dahil sa pag-amin ng dalawa na ‘dating’ sila, naging kapansin-pansin naman daw na tila unti-unting nawawala ang mga ito sa mga dapat ay schedule of activities nila.
May balitang wala rin si Hyuna sa Youth Day Festival na ang sinasabing dahilan lang, due to internal circumstances.
Pinaniniwalaan ng mga fan na parusa o consequence ang hindi na muna pagsama sa dalawa sa mga events dahil sa ginawa nila. Na kaya nga nag-issue na ng denial noong una ang agency para sana pagtakpan ang dating rumor sa kanila at hindi na lumaki pa ang negatibong epekto tulad ng nangyayari ngayon.
 Lantaran na rin ang ipinost na disappointment ni Hyuna sa kanyang Ins­tagram account sa pagkawala niya sa concert.
Sey ni Hyuna, “I feel very disappointed that we ended up having to announce the cancellation of my appearance. There were probably people who were waiting for me. My fans, A-ing, as well. Let’s see each other next time. Don’t get sick and don’t worry about me.”