Abante Tonite Interactive

Hyuna-E’Dawn pinatalsik

0 214

tonite-annyeong-rose-garciaKumalat ang balitang pinatalsik na raw bilang mga artist ng Cube Entertainment ang ‘mag-jowa’ o magkarelasyon na sina Hyuna at E’Dawn.

Si Hyuna ang isa sa mga sikat na South Korean­ singer at si E’Dawn naman ang isa sa miyembro ng boy group na Pentagon. Pagkatapos ang magkakasunod na balita sa “dating scandal” nila, naglabas ng statement ang Cube na walang katotohanan. Pero pagkatapos ng ilang oras ay nagpa-interview sila at inaming two years dating na sila.

Then, series of news came out. Isa na rito ang hindi na pag-appear ni Hyuna sa mga dapat ay shows niya at si E’Dawn na wala na sa mga gagawing promotion ng Pentagon.

Abante Hiring – IT dep

At noong September 13, lumabas ang balitang wala na sa agency ang dalawa dahil na rin sa kawalan ng tiwala ng agency sa kanila. Pero mukhang negatibo ang naging pagtanggap ng tao sa balitang pinatalsik na sa agency sina Hyuna at E’Dawn kung pagbabasehan ang pagbaba raw ng stocks ng Cube Entertainment.

Ayon kay Kookje Shinmun, bumaba umano ang stock ng Cube Entertainment mula sa 9.43% around 1:30 pm KST. Nag-open daw ito sa 2,965 KRW per share at bumaba ng 2,690 KRW per share.

At dahil sa epekto ng pagbaba ng stock sa stock market ng Cube Entertainment, pinaniniwalaan ng netizen na ito ang dahilan kaya biglang kambiyo ang agency. Hindi pa naman­ final ang desisyon kina E’Dawn at Hyuna na mawawala na nga. Fee­ling ng netizen, baka hindi naman matuloy na tanggalin ang dalawa.

Sa isang banda, may report naman ang Ilgan Sports mula sa isang insider na wala raw alam sina E’Dawn at Hyuna na tinanggal na pala sila. Nalaman lang din daw ng mga ito sa news.

“HyunA and E’Dawn found out they are getting kicked out from Cube Entertainment through the news today.”