Abante Tonite
Mabilis sa Balita

HyunA malala ang sakit

0 205

Ilang taon na under medication si HyunA nang aminin niya ang totoong health condition niya sa publiko.

At hanggang ngayon, hindi pa rin talaga completely healed ang singer sa kanyang depression, panic disorder at vasovagal syncope.

Aminado si HyunA na napaka-perfectionist niya at isa ito sa nakikita niyang posibleng nagti-trigger daw ng mga pinagdadaanan niya.

Ayon sa singer, “I think it’s been 10 years since I had the disorders. And it’s been 5 to 6 years since I’ve been taking my medications without skipping any. Hiding it from everyone was doable. But during a commercial filming, I collapsed. Not only did I have depression and panic disorder, but I was diagnosed with vasovagal syncope, too.”

SM food to go Banner Ad

Ang insidente raw na yun ang naging dahilan kung bakit na-realize niya na sa halip na itago pa sa lahat ang totoong kondisyon niya, mas makabubuti na i-open na niya.

Sabi pa ni HyunA, “When I halted all of my activities and went home, I was more upset that I harmed other people than me fainting. That’s when I realized it was better to stop hiding why something like this happened and tell people the truth.”

At kamakailan nga lang, na-postpone ang dapat ay comeback niya dahil tila mas lumala ang kanyang health condition.

Nang mag-guest siya sa MBC’s Radio Star nitong August 26, nabanggit nga ni HyunA ang nangyari sa comeback niya. Aniya, “We’ve spent about 100 million won (approximately $84,300) on the music video. We spent about that much every time. We didn’t reduce the amount just because we had to spend a lot on labor costs.”

Halos lahat naman ng netizens ay nagwi-wish at nagpi-pray na sana nga raw, maging okay na ang health ng singer/actress .Sana raw ay muli na itong makapag-perform at makabalik sa kanyang mga activities ng normal.

Leave A Reply

Your email address will not be published.