Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hyundai inararo 7 kelot sa Divisoria

0 262

Nasawi ang isa habang sugatan ang 6 pang katao matapos araruhin ng isang kotse kahapon ng umaga sa may Claro M. Recto, Divisoria, Maynila.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU)

nawalan umano ng preno ang isang Hyundai Accent na may plakang #9295.

Bunga nito’y inararo nito ang isang Public Utility Jeepney (PUJ), pedicab, motorcycle, e-Trike at bisikleta gayundin ang mga pedestrian sa CM Recto road.

Naganap umano ang insidente, alas-7:00 ng umaga sa nabanggit na lugar.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nalaman sa mga bystander na una umanong sumalpok ang kotse sa PUJ at nang umikot ay tinamaan naman ang isang bisikleta kasunod ang E-trike.

Grabeng napinsala ang harapang bahagi ng Hyundai Accent pero inaresto ng mga pulis ang driver nitong nakilalang si Armando Pitas, 55 .

Nakilala naman ang namatay na si Lauro Lucaycay. Nasugatan sina Jeffrey Del Rosario, driver ng Hyundai H100 na kulay puti ( NBS-0953); Jonathan Ratin,40, jeepney driver ( DCU-947) ,ay nadamay sa pag araro ng sasakyan at nagtamo din ng sugat sa kani kanilang katawan.

Nagtamo naman ng bali sa binti at braso si Adriano Limse, 38, at isang sidecar boy.

Lulan naman ng Honda TMX -125 ang isang Ryan Boy Caranzo, 39, na nabalian din ng binti.

Maliban sa mga biktima, 1 pang lalaki ang patuloy na inoobserbahan sa ospital. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.